Jerry at Shen todo ang pagpapakilig sa finale week

MANILA, Philippines — Sa finale week ng Count Your Lucky Stars ngayong linggo, itotodo na nina Jerry Yan at Shen Yue ang pagpapakilig sa mga sumubaybay sa love story nina Calvin at Andi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Noong Lunes (Hunyo 21), isang matamis na halik ang sorpresang ibinigay ni Jerry Yan (Calvin) sa kasintahan nitong si Shen Yue (Andi) na nag-aalala sa kalagayan ng amang may gastric cancer. 

Hindi mapakali si Andi sa Fashion Cup dahil sa nalalapit na operasyon ng kanyang ama dahil baka raw siya pa ang magdala ng malas dito. Kaya naman naisipan ni Calvin na “ibalik” ang swerte sa kasintahan sa pamamagitan ng isang halik. Matatandaang mistulang nagkapalitan dati ng suwerte ang dalawa dahil sa aksidente nilang kiss.  

Lubos naman itong kinagiliwan ng netizens. 

May happy ending at suwerte kaya sa buhay nina Calvin at Andi? Abangan ang iba pang exciting at nakakakilig na eksena sa huling linggo ng Count Your Lucky Stars tuwing 10 p.m. sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube) A2Z (free TV), at TV5 (free TV).

Samantala, maaari pang mapanood nang libre ng mga nasa Pilipinas ang pinakabagong episodes ng Count Your Lucky Stars sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube sa loob ng pitong araw matapos ito unang i-stream. Sa iWantTFC naman mapapanood ang lahat ng episodes.

Show comments