Every year lagi na lang may nomination para sa National Artist. At nagtataka ako na hindi nasasali ang pangalan nina Mother Lily Monteverde at Manay Marichu Maceda.
Two ladies na talagang buong buhay nila ibinigay nila sa showbiz. Buong buhay nila talagang nasa pelikula at pagtulong dito ang ginagawa nila. Mahal na mahal nila ang mundo na ginagalawan natin, talagang tuwing merong problema, sa kanila tumatakbo ang taga-industriya.
Nawala na si Manay Ichu na hindi nakatanggap ng nararapat na award para sa pagod niya at tulong sa mga taga-industriya na minahal niya. Sana naman huwag maging ganyan ang kapalaran ni Mother Lily. Sana habang buhay pa siya, habang nandiyan siya, ipadama natin sa kanya ang pagmamahal ng showbiz, ang pagtanaw ng utang na loob sa malaking ambag niya para mapaganda ang daigdig ng mga taga-showbiz.
Artista, crew, staff, production, lahat iyan nakatrabaho ni Mother Lily. Kumbaga sa isang nanay, halos lahat ay anak niya.
Dalawa sila ni Manay Ichu na karapat-dapat, may karapatang gawaran nito.