Mike Hanopol tuloy ang pakikipaglaban sa COVID
Nakikipaglaban din sa COVID-19 ang Pinoy rock icon na si Mike Hanopol.
“Rav MIKE HANOPOL expresses his thanks to everyone for all the prayers and the well-wishes. Let us further pray for his full recovery from COVID-19 for the spread of God’s word, the conversion of souls, the forgiveness of sins, and for the glory of God’s holy name. Praise God for all His goodness. Alleluia. Amen,” ayon sa Facebook post ni Edgar H Siscar.
Kasalukuyang itong nasa San Mateo Rizal hospital.
Concert ni Nadine tuloy kahit hinusgahan ng korte ang kaso sa Viva
Hindi affected ng court decision kina Nadine Lustre and Viva ang kanyang digital concert niya next month.
Ayon sa legal counsel ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan : “Concert not affected by decision. Viva will just claim 40% commission, even if it is Nadine who arranged everything. We are filing partial Motion for Reconsideration on the status quo order of Court .”
Sinabi nga ng Quezon City court na kailangan pa ring sundin ni Nadine ang contract niya sa Viva Artists Agency (VAA) pero idinenay ng korte ang request ng Viva na writ of garnishment.
Kaya parehong nagki-claim ng panalo ang dalawang kampo.
Last year nga nang sabihin ni Nadine na gusto niyang i-terminate ang contract sa Viva na nagpasikat sa kanya.
- Latest