Marami rin palang followers si Dingdong Dantes na hindi sang-ayon sa planong pagkandidato niya.
Ayaw nilang mawala si Dingdong sa showbiz dahil iniidolo nila ito. Isa pa, may hinala silang baka magbago ang ugali ‘pag nahalal ito. Baka raw maging mailap ito katulad ng ibang artistang naupo na sa Kongreso.
Dapat din daw bigyang pansin ng aktor na hindi papogian at kasikatan ang magiging lamang niya sa mga makakalaban. Iba na kasi ang pulitika ngayon. Iba na rin ang mga botante. Pera-pera ang labanan. Hindi na puwede ‘yung P200 o P300 lang ang iabot sa botante ay maaari na siyang manalo.
Worried din silang baka maubos lang ang mga inimpok nilang mag-asawa na si Marian Rivera kapag pinasok niya ang pulitika.
Nauna nang napabalita na kontra rin si Marian na sa mga pumipilit kay Dingdong na kumandidato ito sa 2022.
Bangayan ng mag-amang Dennis at Julia, inaangalan na
Umaangal ang ibang mga netizen na nakakasawa naman daw na paulit-ulit na lang ang patutsadahan ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto.
Nakakakilabot nga naman na may ganyang mga isyu samantalang mag-ama naman sila.
Bakit hindi na lang sila mag-usap privately at ayusin ang kanilang mga problema at hinaing sa isa’t isa.
Tigilan na ang mga kung anu-anong isyu na ibinabandera pa nila sa social media.
Bawal na ang alitan ngayon, mas tamang maging mas mabait na lang tayong lahat at ‘wag masyadong gamitin ang social media para ilantad ang mga problema ng pamilya lalo na sila.
Tantanan na ‘yan. Nasaan na ang moral values. ‘Wag pagkakitaan ang awayan.
Oo nga at sosyal ka, magaling mag-English at maraming datung pero wala namang respeto sa magulang paano ka magiging perpekto sa paningin ng lahat.
Hay naku. Ibang namang issue Julia. Yung medyo may magandang epekto naman.