Thai management, grabeng snob

Mario

May natutuhan akong lesson sa management ni Mario Maurer ha. Puwede pala iyon, sumulat ka ng release at i-snob mo na parang persona non grata, the who, at hindi nag-exist ang isang tao na idini-deny mo.

Ang classy ng dating ha, at kaloka ang pagiging snob. Totally ignored ‘yung sinasabing tao, never na-mention ang name, at parang blind item lang siya.

Bongga! Ganun pala dapat ang pinakamagandang pagsagot sa isang issue, i-clear out mo, pero hindi ko babanggitin ang name mo, at parang nandidiri ka talaga na ma-mention man lang.

Bongga ang snobbery ng Thai ha, talbog ang Korean idol ko. Mahigpit lang ang Korean, pero hindi ganito ka-harsh. Shocking.

Naku, mas gusto ko pang ipagsigawan na lang name ko kesa naman para akong ‘the who,’ ano ako, insect. Wow, Mario Maurer ha, pinahanga mo ako, ipagkakalat ko talaga na meron tayong something, hah hah, hitsurang itanggi ng buong Thailand at ni Joyce Ramirez.

Coco, kailangang mag-hire ng mahuhusay na consultant

Kung talagang gusto ni Coco Martin na mag-run as senator sa next election, why not?

Iyon namang paglilingkod sa bayan, nasa puso iyan, malay mo may mga idea siya na puwede makapagpabago ng buhay ng marami. At kung idol nga niya si Lito Lapid, siguro nga iyon ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para subukin ang pulitika.

Sabi naman nila basta lang nasa paligid mo ang mga taong may alam at kayang ituro sa iyo ang mga bagay na kulang ka, basta lang tunay ang nadarama mong passion at pagmamahal sa isang bagay, sure na malalagpasan mo ang lahat ng pagsubok.

Puwedeng kunin ni Coco ang the best consultants para i-guide siya, ang top-of-the-line lawyers para ituro sa kanya ang dapat gawin, basta ang main idea sa pagtulong nasa kanya. May puso naman siguro si Coco sa mga kababayan natin na dapat tulungan, nasa kanya naman ang sipag para sa matinding trabaho.

Show comments