Eleksyon sa 2022, magiging kakaiba ang resulta

Manny Pacquiao

Nabasa ko na ang choices ni Papa Digong kung sakali na hindi tatakbo si Sarah Duterte at Sen. Bong Go - will be between Isko Moreno, Manny Pacquiao at Bongbong Marcos.

Sinabi naman ng kabila na ang number 1 bet pa rin nila ay si VP Leni Robledo.

Parang ngayon pa lang ay alam na natin ang mga pipiliin nating leaders, at ngayon pa lang ay dapat na magpakitang gilas ang mga nabalita na ilalaban sa 2022 election.

Medyo mahirap ang darating na botohan, aside from ang daming pagbabago, feel na feel mo ang pandemic. Ang hirap ipaliwanag sa bayan kung paano nangyari na subsob tayo halos sa loob ng isang taon at kalahati.

Iyon grabeng unemployment problem, hirap ng pagkain, kapos na hospital at health problems na talagang kahit worldwide, grabe ang nagawang pinsala sa bayan natin.

Hahanapan tiyak ng tao ang sinumang kandidato sa mga nagawa nila habang may pandemic. Kung sino ang talagang nakatulong, iyon naging mabilis sa pagtulong.

Day of reckoning ang mangyayari, araw kung saan ipapaliwanag mo kung ano ang ginawa mo, ano nagawa mo, at ano pa ang puwede mong gawin.

Palit lang tayo nang palit ng leader, ang sistema na siguro ang dapat palitan para maayos. Kasi talagang huling-huli na tayo sa progreso kung ikukumpara sa iba, iyon mga leader natin marami ang mahusay, matalino, may vision, pero hindi magawa dahil nga sumusunod na lang sa dating sistema.

Kung gusto natin ang pagbabago, lahat dapat baguhin, ang gobyerno at pati na rin tayong mga mamamayan kung paano natin tanggapin ang pamamahala sa atin.

Dapat magtulungan, help one another. Kapit-kamay tayong lahat, walang sisihan, walang complaints, maging positive ang outlook sa buhay.

We want a better Philippines, tayong mga Pilipino lang ang puwedeng gumawa nito.

Let us do it together.

Mga mayor, inaasahan ng mga nasasakupan

Birthday nina Mayor Enrico Roque at Mayor Lani Mercado. Iba ang panahon ngayon, kaya kahit pa nga siguro kaarawan nila, ang mas wish nila iyon matapos na ang pandemic.

Kasi nga malaking hamon ngayon sa mga mayor hindi lang health protocols kundi ang pagtulong sa pagbibigay ayuda sa kanilang mga mamamayan.

Imagine ang hirap ngayon na ilang beses nag-ECQ, maraming nawalan ng trabaho, nagugutom na tao, lahat iyan problema ng isang mayor.

Idagdag pa rito na lagi silang nasa frontline dahil sa rami nga ng tao na humihingi ng tulong.

Kaya nga iyon wish na happy birthday alam mo na kulang, dahil paano ka magsasabi ng happy sa ganitong sitwasyon? Pero sana lang laging safe at healthy sila Mayor Enrico Roque at Mayor Lani Mercado at lahat ng mga mayor na inaasahan ng kanilang mamamayan.

Show comments