Tinuhog ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina ang dalawang mahalagang okasyon noong nakaraang December 21. Una ay first wedding anniversary nila at pangalawa ay ang baptism ng baby boy nilang si Joaquin.
December 21, 2019 noong ikasal sina Rodjun at Dianne sa Manila Cathedral pagkatapos ng higit kumulang na 10-year relationship.
April 2020 noong i-announce nila na magkakaroon sila ng baby. September naman isinilang ni Dianne si Baby Joaquin habang may COVID-19 pandemic.
Kaya naisipan ng mag-asawa na isabay na ang binyag ng kanilang baby sa kanilang first wedding anniversary dahil na-bless ang pagsasama nila with a healthy baby boy.
Post ni Dianne sa Instagram: “Happy 1st Wedding Anniversary my love @rodjuncruz. Thank you, Lord, for everything. Today is also our baby Joaquin’s Baptism Day. Love you Rj and Baby Joaquin so much. Thank you Lord for all the blessings.”
Champion sa Clash, biktima ng cyberbullying
Tunay nga ang kasabihan na ang inaapi ay pinagpapala ng Panginoon.
Ilang araw bago mag-Pasko ay tinanghal na grand champion ng The Clash Season 3 ang Power Cebuana Diva na si Jessica Villarubin.
Napanalunan niya ay exclusive management contract from GMA Network, a brand new car, P1 million, and a house and lot. Higit kumulang na P4 million ang halaga ng winnings niya.
Hindi tinago ni Jessica sa simula pa lang ng audition niya na biktima siya ng cyberbullying sa social media. Mahilig daw kasi siyang sumali sa mga singing contest sa Cebu at inookray daw ng ibang contestants ang pisikal na kaanyuhan niya.
Pero nanatiling mabait si Jessica kaya nang mag-audition siya online para sa The Clash ay mabilis siyang napansin at pasok kaagad siya.
Breadwinner ng kanyang pamilya si Jessica at nakapagtapos ito ng kolehiyo sa Cebu Technological University. Ang kanyang trabaho bilang entertainer sa isang five-star hotel sa Cebu ang dahilan kung bakit siya nakapagtapos.
Marami raw naging hirap si Jessica sa pagbiyahe niya mula Cebu to Manila dahil sa health protocols at travel restrictions. Pero nakarating pa rin siya ng Maynila at sulit ang mga sakripisyo niyang malayo sa pamilya ng ilang buwan dahil nagwagi siya.
Gagamitin daw niya ang kanyang premyo sa pagtayo ng negosyo para sa kanyang pamilya at sa pag-aaral sa mga anak ng kanyang kapatid.
Willow ni Taylor, No. 1 uli sa Billboard Hot 100
Nag-number one sa Billboard Hot 100 charts ang single na Willow ni Taylor Swift na galing sa kanyang 9th studio album na Evermore.
Ito ang second number hit ni Taylor sa taong ito after Cardigan na galing sa isa pang number one album niya na Folklore.
Ang Evermore naman ay number one sa Billboard 200 after itong i-drop noong nakaraang December 12.
Si Taylor ang first artist to debut twice at number one in both charts.
Ayon sa streams, sales and airplay report: “Willow drew 30 million U.S. streams and sold 59,000 downloads in the week ending Dec. 17, according to Nielsen Music/MRC Data. It also earned 12.3 million radio airplay audience impressions in the week ending Dec. 20.”
Tulad ni Taylor, nag-double debut din at number one ang hottest K-pop group na BTS with Be and Life Goes On sa Billboard charts.