Assunta at Jules, kumpleto ang Pasko

Assunta at Baby Fiore

MANILA, Philippines — Ang pagdalaw namin ni Annabelle Rama sa talent niyang si Assunta de Rossi kahapon.

Pareho kasi kami ni Bisaya na excited na makita si Baby Fiore nina Assunta at Jules Ledesma.

Although panay ang padala ni Assunta ng videos at pictures ni Baby Fiore, iba pa rin kapag personal na naming nakita ang baby.

Sabi ni Assunta, more than a kilo na ang inilaki ni Baby Fiore pagkatapos niya itong ipanganak noong October 23. Masayang-masaya nga ang Christmas nila dahil kay Baby Fiore.

Ang bongga! ‘Yun na!

Concert nina Ogie at Ian, ‘di alam kung itutuloy pa

Isa ang KilaboTitos concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion sa napakaraming concerts na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Actually, nagpa-presscon na nga sina Ogie at Ian noong March 3 tungkol doon. Sobrang excited sila para sa project na ‘yon, kaya nang magkatsikahan kami ni Ogie, tinanong ko siya tungkol doon.

As of now, hindi pa raw nila pinag-uusapan ang tungkol sa nasabing concert dahil may pandemic pa nga. “Pero by next year, we will decide na. Kung magiging ok na, itutuloy namin ‘yung concert na may audience, pero kung hindi pa talaga puwede at matatagalan pa nga na bumalik sa normal, baka gawin naming online concert na lang. Pero wala pa talaga kaming desisyon. Hindi pa namin iniisip sa ngayon. Pero siyempre, gusto namin ni Ian na matuloy,” sey ni Ogie.

Nagpa-swab test na uli si Ogie at ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid dahil sa Sunday ay live na naman silang mapapanood sa ASAP Natin ‘To at hanggang next week ay magte-taping sila.

Richard, ngayon lang uli makakasama ang mga kapatid

Ngayon ang punta ni Raymond Gutierrez sa Boracay para sa pre-Christmas bonding nila ng mga kapatid na sina Ruffa, Elvis at Richard.

Kasama ng mga kapatid ang kani-kanilang pamilya at hanggang Monday sila roon.

More on family bonding and advance Christmas break na nila ‘yon dahil ilang weeks din nilang hindi nakasama si Richard na nag-lock-in taping for FPJ’s Ang Probinsyano.

Isa nga pala si Raymond sa mga mahilig mag-travel abroad ang hindi muna iniisip na very soon ay makakapunta siya uli sa Los Angeles, California.

Noong una, iniisip niya na mag-L.A. ng December, pero saka na lang daw.

Show comments