Abala pa rin sa pagtulong sa kanyang mga kababayang Bikolano si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin na hanggang ngayon ay may mga bahay pang nakalubog dahil sa bagyong Ulysses. Wala raw itong katulug-tulog at kung mapaidlip man ay sandali lang.
At kahit daw pagod at may nag-request sa kanya ng kanta sa mga pinapasyalang evacuation center, pinagbibigyan niya ang mga ito dahil karaniwan naman sa mga kababayan niya ay hindi pa nakakapanood ng concert niya. Iniisip na rin lang daw niya na makakatulong ang pag-awit niya na kalimutan kahit sandali ang mga problemang kinakaharap nating lahat.
Iniisip rin ni Vice Gov. Mel ngayong Pasko ang showbiz people na member ng Actors’ Guild, dahil bilang pangulo ng samahan, taun-taon siyang namimigay ng Pamasko at datung sa mga miyembro nito. Ngunit ngayong may COVID attack, hindi niya alam kung paano ito magagampanan dahil alam naman daw ng lahat na marami ang nawalan ng trabaho.
Kris, walang maiangal kay Jose Mari Chan
Walang masabi si Kris Aquino sa ipinareha sa kanya sa commercial niya sa isang e-commerce platform, no other than Mr. Jose Mari Chan, ang singing idol ng Christmas songs.
Ang napansin lang ay mas popular sa kanya ang singer dahil panahon ng Kapaskuhan ngayon. Kaya ang say nila, hayan ha, nakahanap na ng katapat niya si Kris. At hindi na niya puwedeng kuwestiyunin ang popularidad ni Mr. Jose Mari Chan.
Cong. Dan, abala pa rin
Abala rin ang congressman ng Laguna na si Dan Fernandez sa mga kababayan niya. May mga bahay pa rin daw na nakalubog sa tubig dahil sa magkasunod na bagyong nanalanta. Nabigyan naman daw ni Cong. Dan ng ayuda at tulong pinansyal ang mga kababayan.
Coco, binigyan ng importansya si Whitney
Masuwerte ang komedyanteng si Whitney Tyson dahil sa malaking break na binigay sa kanya ni Coco Martin sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
Hindi lang pagpapatawa ang karakter ni Whitney, may mahalagang misyon itong gagawin sa istorya ng nasabing serye. Alam nito ang ginagawang panloloko ng karakter ni Lorna Tolentino sa karakter naman ni ginagampanan ni Rowell Santiago.
No wonder na nag-iinit ang dugo ni LT tuwing magkaeksena sila dahil maaaring ito pa ang magbunyag sa ginagawang panloloko. Kaya naman riot din sa comedy ang dalawa sa kanilang mga eksena.
Mae Binauhan ng DZRH, nakikilala sa pagtulong
Walang kapaguran ang DZRH wonder woman na tinaguriang lugaw queen na si Mae Binauhan from Catanduanes dahil tumuloy siya ng Cagayan at Isabela, nagpunta rin ng Marikina at Montalban para tumulong.
Layunin ng grupo ni Mae na makapagbigay ng tulong at magpakain sa mga biktima na handog ng MBC-DZRH.