^

Pang Movies

Direk Bobet, hindi tinupad ang pangako sa Showtime!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Direk Bobet, hindi tinupad ang pangako sa Showtime!
Direk Bobet

Sinugod ng mga nadismayang Kapamilya fans ang Instagram ni director Bobet Vidanes para ipahayag ang disappointment at sama ng loob nila sa balitang pagre-resign ng director sa It’s Showtime. Bakit naman daw after 11 years, saka iiwan ni direk Bobet ang show na bukod sa pagiging director, siya rin ang creator. ‘Yun kasi ang nakalagay sa kanyang DP.

Personal daw ang rason nang pagre-resign ni direk Bobet sa It’s Showtime, pero ang alam ng Kapamilya fans, tinanggap nito ang offer ng Brightlight Productions para magdirehe ng show sa TV5.

Ipinaalala ng Kapamilya fans ang mga pahayag ni direk Bobet noon na sabay-sabay silang tatanda ng hosts ng It’s Showtime  “wala raw iwanan” at “kahit magwalis at magsaka na lang sila sa bukid, walang iwanan,” tapos siya raw pala ang unang umalis. Si direk Bobet daw ang tatay ng show, kaya hindi ma-take ng fans na iiwan nito ang kanyang mga anak.

May mga umaasa naman na kapag may franchise na uli ang ABS-CBN, babalik sa network ang mga umalis, hayaan daw muna silang magtrabaho sa TV5.

Saka, wish ng fans, walang host ng It’s Showtime ang sumunod kay Billy Crawford na lumipat din sa TV5.

Mga tinitinda ni Nadia, nalusaw din sa baha

Nasa IG Story ni Nadia Montenegro na wala ng tubig sa binaha nilang bahay at nakabilad na ang nabasa nilang mga gamit. Sana, hindi na muna umulan para makatuyo nang mga gamit na lahat yata nabasa. Naglilinis na  sina Nadia sa kanilang bahay.

Sa video ni Alyanna Asistio, nakunan nito ang taas ng tubig sa Town and Country at nabanggit na wala na ang first floor ng kanilang bahay. Nabanggit din nito na pati ang stocks nila ng Meats and Company nawala na rin. Online seller kasi si Nadia ng iba’t ibang dishes, kaya may stock ng karne.

Aktor walang tigil ang pamimigay ng ayuda sa mga na-delubyo

Naka-four batches agad ng distribution ang AKTOR sa first day ng distribution nila ng relief goods sa Marikina. Kasama sa nag-distribute ng relief goods sina Angel Locsin, Neil Arce, Jasmine Curtis-Smith at iba pang hindi namin nakilala dahil may suot na face mask.

Nagpa-pack naman sa may Taumbayan Bar sa may Kamuning sina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon, at iba pang members ng AKTOR. Sa in-upload na video ni Jasmine, makikitang organisado ang pamimigay nila ng relief goods, kaya hindi nagkagulo sa evacuation center.

Kumpleto ang relief pack na ipinamigay ng AKTOR at nakita naming may corned beef at hindi puro sardinas. Tuluy-tuloy ang paghingi ng donation ng AKTOR dahil sa nakikita natin, matatagalan pa bago maging normal ang takbo ng buhay ng mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

May mga umaapela rin at humihingi ng tulong sa AKTOR na mga taga-Caga­yan at dahil katuwang nila ang YesPinoy Foundation, Caritas, at Andrew’s Fund, siguradong makakapamigay din sila ng tulong sa mga taga-Cagayan.

Speaking of Jasmine, sunud-sunod siyang napapanood sa Netflix dahil after magsimulang mag-streaming ang Descendants of the SunPH noong November 13, this Sunday (Nov. 15), streaming din ng movie nila ni Enchong Dee na Alter Me. Nasa Netflix din ang pelikulang Alone Together ng LizQuen.

K pop Minzy, nasa Viva na

 Viva Artist na pala ang South Korean singer-songwriter na si Minzy na member ng now defunct girl group na 2NE1. Magre-release si Minzy ng kantang  Lovely na ang chorus ay sa Tagalog sa November 20.

Makakatulong ng Viva Artists Agency na magma-manage kay Minzy ang  Open Door Artist Management, at MZ Entertainment ng South Korea. Mara­ming Filipino fans si Minzy at ang 2NE1, kaya hindi siya mahirap i-market.

BOBET VIDANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with