Ang daming trabaho ang pinalagpas ni Amy Austria dahil hindi niya masyadong type ang lock-in taping. Inabutan ng lockdown noong March sina Amy at asawang si Duke sa Batangas rest house nila, at hanggang ngayon ay nandoon pa rin sila dahil nagustuhan nila ang laid back life roon, ang hangin at maluwang na paligid.
Dahil work from home si Duke, doon na niya gustong mag-stay muna, si Amy naman dahil nga hindi type ang lock-in situation ng taping, nagpasya na rin siya na sa beach house muna nila tumira.
Bongga sila ha, tahimik na buhay-probinsiya ang pinili nila habang may pandemic. Iyon naman talaga ang noon pa hanap ni Amy, ang tahimik na buhay, good at may naipundar silang beach house kung saan nag-i-enjoy sila ngayon na lagi raw sariwa ang mga gulay at isda na kinakain nila. Baka nga raw hanggang December na sila sa Batangas, o baka hanggang matapos ang pandemic.
Galing naman, dahil nga sabi ni Amy, may TV naman doon at phone kaya ok pa rin ang communication niya sa mga taga-city, hah hah, at buong araw siyang communicating with nature. Ok stay safe.
Chemist Pinky, tuluy-tuloy ang pagtulong
Talagang golden heart si Pinky Tobiano. Alam mo ba ‘yung taga-Samar na bata na nagbisikleta ng ilang oras para maghanap ng trabaho, upang makaipon ng pamasahe nila ng mga magulang niya para makauwi ng Samar? Tinulungan niya at binigyan ng kailangan nito, plus dahil sa lumabas na video sa programa niyang Grateful Tuesday by Chemist Pinky Tobiano, buhos ng tulong at talagang nakakatuwa dahil hindi lang pamasahe ang naibigay sa pamilya ng bata kundi panggastos pa pag-uwi nila sa Samar.
Sobra talaga ang pagiging matulungin ni Pinky na talagang lahat ng oras na puwede niyang ibigay para makatulong sa kapwa ay ginagawa niya. Kaya siguro up to now, andyan pa rin at ang daming nagmamahal sa kanya.
Salute Pinky, at sana lagi kang healthy at safe, dahil marami ka pang matutulungan. Love you.