Murang package tours, tuloy na!

Berna Romulo Puyat

Ang ganda ng mga plano ni DOT Secretary Berna Romulo Puyat para sa turismo natin na naapektuhan ng pandemic kaya hindi nagtuluy-tuloy.

Actually sa lahat ng naging tourism secretary, si Sec. Berna ang napaka-sipag at talagang fast worker.

Nagawa niyang maayos ang Boracay, at susunod na sana ang ibang lugar, kaya lang nagka-pandemic.

Iyon idea na murang package tours, pinag-aralan at inaayos na niya sa mga agencies na kasali at hanggang ngayon, kahit pa-domestic tourism na lang muna ang aasahan, talagang pursigido siya sa changes na dapat gawin para magtagumpay ang napakalaking market ng tourism sa bansa.

So far, so good. Kaya naniniwala ako na mararating din natin ang naabot ng Korea sa tourism industry.

With Sec. Berna Romulo Puyat, sure ball ito. Go go Sec. Berna.

Myrtle ‘di binitiwan ng Megasoft

Dahil sa Zoom renewal of contract ni Myrtle Sarroza sa Megasoft ni Aileen Go na-discover ni Rose Garcia na mahina ang wifi sa Annabel’s restaurant.

Doon sana gagawin ang renewal ni Myrtle pero kailangan nga ang malakas na wifi dahil sa Zoom presscon at social distancing, dapat mag-change venue. Ok naman ang new venue kaya dapat go tayo Salve at Gorgy dahil matagal na natin nami-miss sila Aileen Go, Budingding at Rose.

Ang saya naman ng renewal ni Myrtle, kahit pandemic heto at binigyan pa rin siya big welcome ng MegaSoft ni Aileen Go. Mabait kasi at perfect endorser si Myrtle kaya naman hindi siya pinakakawalan.

Saka effective na endorser naman si Myrtle kaya go go ang renewal niya.

Congrats Myrtle, see you soon again.

Show comments