^

Pang Movies

Robin naalalang nakalaya dahil kay Ramon Sr.

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin naalalang nakalaya dahil kay Ramon Sr.
Robin

Isa si Robin Padilla sa mga artistang nagbigay ng pagpupugay at pakikiramay sa yumaong ama ni Sen. Bong Revilla na si former Senator/actor Ramon Revilla, Sr.

As we all know ay pumanaw na ang itinuturing Hari ng Agimat last Friday, June 26, at 5:20 pm because of a heart failure. He was 93.

Sa Instagram post ni Binoe,  nagpasalamat ang action star kay Mang Ramon dahil isa raw ito sa mga taong naging dahilan ng kanyang maagang paglaya noong 1998, panahong Senador pa ito at Presidente naman si Fidel Ramos.

“Bismillah.

“Napakahaba ng aking pinagdaanan sa piitan ng New Bilibid Prisons ngunit wala akong pinagsisihan kahit isang segundo ko doon pero sa bawat segundo rin na ‘yun ay nananalangin ako ng taimtim na in shaa Allah ay makalaya na.

“Una sa lahat sa Allah lamang ang pagpapasalamat sa aking napaagang paglaya.

“Pangalawa ay kay Pangulong Fidel Ramos at Nur Misuari. Pangatlo ay kay Senator Ramon Revilla.

“Ako po, kasama ang aking pamilya at nasa ilalim ng aking pakpak ay nakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ng kagalang-galang na senador.

Isa rin pong karangalan ang magampanan ang remake ng Joaquin Bordado na inyong pinasikat.

“Habang-buhay po akong magpapasalamat sa inyo sa pangalawang pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin.

“Nasa inyo po ang aking taimtim na dasal,” ang kabuuan ng post ni Binoe.

Matatandaang taong 1994 nang masentensyahan si Binoe ng walong taong pagkakakulong sa kasong illegal possession of firearms. Nabig­yan siya ng conditional pardon at nakalaya noong 1998.

Samantala, kasalukuyang nakahimlay ang kanyang labi sa Revilla mansion sa Bacoor, Cavite.

The family is asking to grieve privately until further notice.

vuukle comment

RAMON REVILLA SR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with