Tuloy kaya Salve A., ang annual Metro Manila Filmfest (MMFF) this year?
Now on its 45th year, it’s most awaited film event. Eight entries are usually chosen, para maipalabas sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.
Only Tagalog films will be shown, starting on December 25, until the first week of January.
The film event is capped by an awards ceremony, held usually sa isang exclusive venue, kung saan ang pinakamaganda at pinakamahusay na pelikula is awarded not just trophies, kung hindi cash money pa.
Ganundin kung sinuman ang mapipiling artistang impressive ang ginawang pagganap sa kanyang entry.
May kaukulang award din sa best director, writer, etc.
It’s a dress up event, kaya, nakakatabang pusong maimbitahan.
In any case, kaya namin ito naitanong, Salve A., dahil at least, tatlong malalaking productions na ang alam naming nagpe-prepare na ng kanilang entries to the film event.
And they are willing na gastusan ang kanilang entries to the hilt.
For them, big deal na mapiling best picture ang kanilang entry.
Last year’s best picture award went to Miracle in Cell No. 7, directed by Nuel Naval and starring Aga Muhlach at Bela Padilla. Produced by Viva Films, introducing ang child actress na si Xia Vigor.
Tambalang Manny at Kris, fake news?!
Fake news ang balitang magkakaroon ng talk show sina Kris Aquino at Pambansang Kamao, Manny Pacquiao.
Si Kris mismo ang naglinaw sa balitang ito.
Ayon kay Kris, ang totoo ay magkakaroon siya ng live show sa Facebook at YouTube.
Kung sabagay, sa totoo lang, miss na namin si Kris sa TV bilang host.
Magandang buhay, namigay ng motor sa gasoline boy
Ang suwerte naman, Salve A., ng gasoline boy na nag-guest nung Monday sa Magandang Buhay, talk show nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.
When the trio learned na nilalakad niya from Cavite to Makati, para makarating siya sa kanyang place of work, they decided na bigyan siya ng motor.
Kasama sa magku-contribute sa halagang pambili ng motor ang staff ng Magandang Buhay.