Hindi makapaniwala ang marami na 70 years old na ang fashion designer na si Vera Wang. Nag-post kasi ang sikat na fashion designer ng ilang photos sa Instagram habang naka-quarantine ito sa kanyang bahay sa Miami, Florida.
Fit na fit pa rin ang katawan ni Vera at may pa-abs pa ito sa kanyang tiyan habang suot ang orange sports bra and white shorts.
Maraming netizen ang nagulat na turning 71-years old na pala si Vera this coming June. Tanong tuloy nila kung na-discover ba ni Vera ang fountain of youth dahil hindi raw nakikita sa katawan niya na siya ay 70-years old.
Nang tanungin si Vera kung ano ang sikreto niya, sagot nito ay: “Work, sleep, a vodka cocktail, not much sun.”
Hilig din daw niyang mag-golf at bike riding. Sa kanyang kinakain: “I go through phases with what I eat for lunch: I like sashimi with brown rice and vegetables, Chinese steamed broccoli with chicken and rice, or the artichoke salad or fish from Sant Ambroeus.”
Pero ang pinakasikreto raw niya ay: “Focus your mind on something you love to do. My work. My life. My daughters. Do something you love.”
Nakilala si Vera Wang dahil sa mga wedding dresses niya na sinuot ng ilang sikat na celebrities tulad nila Mariah Carey, Victoria Beckham, Kim Kardashian, Ivanka Trump, Sarah Michelle Gellar, Jennifer Garner, Jessica Simpson, Alicia Keys, Kaley Cuoco, Hilary Duff and Khloe Kardashian.
Faith Cuneta naalala sa Stairway...
Muling naalala ng marami ang singer na si Faith Cuneta dahil sa muling pagbabalik telebisyon ng 2009 teleserye na Stairway To Heaven na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.
Nagpaka-senti nga ang ilang netizens dahil na-miss nga raw nila ang sumikat na theme song ng Philippine version ng Koreanovela na Pag-ibig Ko’y Pansinin.
Sumikat si Faith noong mga panahon na iyon dahil nagsisimula pa lang na mabaliw ang mga Pinoy sa mga Koreanovela. Si Faith ang umawit ng ilang theme songs tulad ng sa Endless Love, Winter Sonata, Jumong, Hwang Jini, at Jewel In the Palace. Kaya nabigyan siya noon ng title na Koreanovela Theme Song Queen.
Nataon naman na nasa Pilipinas ngayon si Faith dahil naabutan daw siya ng pagkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Naka-base na sa US si Faith kasama ang kanyang mister at anak.