^

Pang Movies

Onanay ending na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngayong Friday afternoon, May 15, ang finale episode ng ni-replay na well-loved drama series na Onanay na nagtampok kina Superstar Nora Aunor, Cherie Gil, Wendell Ramos, Gardo Versoza at newbie Jo Berry who plays the title role at ang dalawang young stars na sina Mikee Quintos at Kate Valdez. Mapapanood ito pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA-7.

Papalitan ang Onanay ng isa pang well-loved Philippine adaptation ng hit Koreanovela na Stairway To Heaven na mapapanood simula sa Lunes, May 18. Ito ang unang pagtatambal nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa GMA Network bilang sina Cholo and Jodi respectively. 

Ayon kay Dingdong, “kahit hindi pa ninyo kami muli napapanood sa Descendants of the Sun Pinoy adaptation, narito muna ang isa pang Pinoy adaptation ng Koreanovela na tiyak na muling magpapakilig sa inyo, ang Stairway To Heaven.”  Sabi naman ni Rhian :“Ito ang isa sa pinaka-memorable project na ginawa ko dahil talagang isang naiibang love story ito nina Jodi at Cholo.”

Sa Stairway To Heaven, muli ring maririnig ang magandang boses ni Faith Cuneta, ang umawit ng theme song na Pag-ibig Ko’y Pansinin. Kasalukuyang nasa Pilipinas si Faith with her family dahil inabutan sila rito ng lockdown, kaya sa Sunday, sa All-Out Sundays live online streaming ay mapapanood at maririnig muli si Faith sa pag-awit niya ng theme song sa social media platforms ng All-Out Sundays, 12:00 noon.

Kapuso Foundation tuloy ang galaw

Naglabas ng Clarification ang GMAKF o GMA Kapuso Foundation sa pagtulong nila sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.  Nagdi-distribute sila ng family grocery packs para sa mga daily wage earners and their families na affected ng COVID-19. 

Sinabi nila na ang GMAKF ay hindi affiliated with and does not support any political candidate, non-partisan at non-political sila. Wala raw silang kandidato at wala silang kinikilingan.  Lahat umano ng tulong na ipinamimigay nila ay mula rin sa mga donasyon ng mga taong may mabubuting puso.

As of May 5, higit 31,000 katao na ang natulungan ng GMAKF sa kanilang proyekto at umabot na umano sila sa malalayong lugar para abutan sila ng tulong.

ONANAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with