Direk Peque nagsoli noon ng budget sa pelikula nila Sarah
Ipinaluluksa pa rin ng local entertainment industry ang pagpanaw ng premyadong direktor na si Peque Gallaga noong Thursday morning.
Marami ang nagpo-post ng kanilang kalungkutan sa pagpanaw ni Direk Peque dahil sa complications from all the heart medicines that he’s been taking since 1984.
Si Sarah Lahbati, nakatrabaho rin noong 2012 si Direk Peque sa pelikulang The Seductions na pinagbidahan nila nina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff at ipinalabas noong January 30, 2013.
Nang magkausap kami kahapon ni Sarah, sinabi niyang, “Kahit sa isang project ko lang nakasama si Direk Peque, naramdaman ko agad kung gaano siya kabait sa lahat ng tao. Artista man, crew, extra or camera man, lahat tinatrato niya ng pantay. Kaya hanga ako sa kanya from day one. He was kind, creative, gentle and talented. We’re praying for his soul, pati sa pamilya niya na naulila niya,” pahayag ni Sarah.
Samantala, alam mo ba, Ateng Salve, ang grupo nina Direk Peque at Direk Lore Reyes ang siya ring line producer ng The Seductions.
That time, nagbalik pa sila ng sobrang production budget kay Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. na siyang producer ng pelikula.
Kahapon habang kakuwentuhan ko si Direk Lore, naalala ko ang istor-yang ‘yon. “Yes, kapag may sobrang production budget, ibinabalik namin kay Mother Lily. That time, P680,000 ‘yung natira na ibinalik namin sa Regal.”
Annabelle malabo pang makalabas
Habang nagde-deadline ako, nag-missed call si Annabelle Rama. Nag-return call naman ako kaagad at baka may importante siyang sasabihin. “Ay, napindot ko lang,” sabi niya sabay tanong sa akin kung ano na ang balita sa Los Angeles, California kung saan ako naka-lockdown.
Sabi ko kay Bisaya, ang balita ay magmi-meeting ang mga alkalde ng Metro Manila ngayong araw na ito sa posibilidad na i-extend hanggang June 15 ang ECQ (enhanced community quarantine).
Mukhang hindi pa alam ni Bisaya ang balitang ‘yon. Sabi ko sa kanya, kahit naman maging GCQ (general community quarantine) na ay hindi naman siya makakalabas pa dahil hindi papayagan ang mga senior citizen na katulad niya.
Parang nalungkot si Bisaya sa sinabi ko, kaya nag-“Sige na,” siya.
Naku, Ateng Salve, what do you think, mae-extend nga kaya hanggang June 15 ang ECQ?
- Latest