AJ, inalala ng pamilya ang 9th anniversary

How time flies talaga, Ateng Salve.

Alam n’yo ba na sa Friday ay 9th death anniversary na ng ABS-CBN young actor na si AJ Perez.

Pumanaw si AJ dahil sa vehicular accident sa Tarlac noong April 17, 2011 o dalawang buwan after ng kanyang 18th birthday (February 17).

Hanggang ngayon, marami pa ring mga fan ng yumaong young actor ang nagme-message sa kanyang pamilya at nagsasabing hindi pa rin nila nakakalimutan si AJ at palagi nila itong pinagdarasal.

Maraming mga fan ang yumaong young actor ang ipinagpapamisa pa siya kapag death anniversary niya.

Malapit ako sa tatay ni AJ, si Gerry Perez, at sa tuwing nakaka-message ko siya ay naikukuwento niya na in contact pa rin naman siya sa ibang mga katrabaho ni AJ noong nabubuhay pa ang kanyang panganay na anak.

Nang maka-chat ko si Daddy Gerry kahapon ay nagpasalamat siya sa akin for always remembering AJ.

Tinanong ko siya kung ano ang plano nila sa Friday dahil lockdown pa nga ang lahat dahil sa COVID-19?Dito lang kami sa bahay dahil bawal namang lumabas. Magro-rosary kami for AJ.

We hope and pray that this all be over soon!” sey ni Daddy Gerry.

Concert ni Moira sa Amerika walang atrasan

Kung maraming Pinoy concert tour sa Amerika ang wala pang kasiguraduhan kung kailan matutuloy dahil sa COVID-19, ang Braver concert tour naman ni Moira na na-reschedule ang Los Angeles at San Diego shows ay matutuloy raw ng September. Sabi ng L.A. producer na si Amor Yu, matutuloy raw ang Braver show on September 26 sa Wilshire Ebel Theater.

‘Yung San Diego naman daw ay sa September 18. Si Ice Seguerra ang special guest ni Moira sa concert tour na ‘yon.

Well, sana ay back to normal na nga ang lahat by that time.

Cong. Ronnie nagbigay ng gulay sa mga taga-Maynila

Pinost ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang social media account ang tungkol sa pagdo-donate ni Ang Probinsyano Party-list Representative Ronnie Ong ng vegetables sa kanilang city.

So nice naman, ‘di ba, Ateng Salve?

Actually, matagal na nating kakilala ni Manay Lolit Solis si Rep. Ronnie at talaga namang marami siyang tinutulungan.

Nag-chat nga kami ni Rep. Ronnie at tinanong ko siya kung personal ba niya ang donasyon na ‘yon at yes ang sagot niya, kaya lalo akong bumilib sa kanya, huh!

‘Yun na!

Show comments