^

Pang Movies

Mga naghihintay ng relief goods, demanding pa!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Siguro kung kasama ako sa mga nagri-rek­lamo ngayon, isa rin ako sa mga antipatika na napapanood sa TV.

Patience is what you should have when you got nothing.

Nakita ko iyon tambak na street dwellers at homeless na kinupkop ng La Salle priest at pinatira sa school ng La Salle habang may lockdown.

Sila ‘yung mga nakatira sa kalye, walang bubong at sa karton nakahiga. Pero hindi ko narinig na may nagsabi sa kanila na mamamatay sila sa gutom at hindi ko nakita na nagsabi na bakit hanggang ngayon walang relief goods.

Habang iyong iba todo reklamo na para bang sobrang demanding, galit na galit magsabi na ‘akala ko may darating pero hanggang ngayon wala pa rin, mamatay na kami sa gutom.’

Grabe, meron silang bahay, may pinagkakakitaan at isang buwan lang ang lockdown mamatay na agad sa gutom? Hindi na puwede maghintay?

Kasalanan agad ng mayor at gobyerno ang problema?

Para bang dahil sinabing merong ibibigay dapat ibigay agad? Iyon ang point ko, kung minsan iyon nakikita mo instead maawa ka maiinis ka.

Kung hihingi ka, huwag iyon parang ikaw lang ang merong problema. Saka huwag masyado hysterical.

Sabagay, parang ako na may pagka antipatika pag nagsalita, baka ganun din lang iyon napanood ko?

Now alam ko na rin, dapat pag may hinihingi, konting hinahon at huwag demanding. ‘Yan ang lesson learned.

Betong, dasal na maging “Survivor” 

Napa-throwback daw si Betong Sumaya nang makita niya ang Survivor Philippines button badge nila ng kaibigan at kapwa Kapuso star na si Maey Bautista. Matatandaang partners ang dalawang komedyante sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown kung saan ang tinanghal na Sole Survivor ay si Betong.

Marami nga raw good and not so good memories ang biglang naalala ni Betong nang makita niya ang mga button badge pero gaya ng pagiging survivor nila noon, ipinagda­rasal daw ni Betong na “ma-survive nating lahat” ang napakalaking hamon na kinakaharap ng buong mundo—ang pandemic na COVID-19. Sabi pa ni Betong,

“’Wag sana tayong mawalan ng pag-asa at tiwala sa Diyos. Always stay safe & healthy guys”.

BETONG SUMAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with