Bashers parang na-virus na ang utak...
Alam mo ba Salve na sa ganito natin sitwasyon na meron pa rin akong nababasa na mga basher at troll, naisip ko baka iyon coronavirus hindi sa lungs pumasok kundi sa utak nila.
Kasi nga sa ngayon makakaisip ka pa ba ng masama sa kapwa mo na hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari? Healthy people na basta na lang tinatamaan, mga doktor mismo na namamatay, mga mayayaman na hindi rin nakaligtas, tapos meron ka pang oras pumintas, pumuna o kaya magsalita ng masama sa kapwa, wow, pinasok nga ng virus ang utak mo.
Take life easily, don’t waste your time sa mga bagay na hindi ka naman kasali.
So meron kang bagay na nabasa na hindi mo gusto, hayaan mo iyong taong concern ang mag-react , hindi ikaw. So iyon Mayor n’yo feeling mo mabagal kumilos, bakit kailangan maging violent ang reaction mo?
Sa palagay n’yo pag nag mura kayo at gumamit ng masasakit na salita matatakot si coronavirus sa inyo? Baka nasa utak nyo na siya, kaya ingat ingat. Mahirap masira ang ulo sa mga bagay na hindi naman importante.
Dasal ang panlaban
Ang magandang nangyari lang ngayon, iyon pakikinig at panonood ng mass at rosary ngayon, ang lakas ng dating? Parang meaningful at parang ang tama sa puso mas madiin?
Siguro nga dahil emotional at sensitive tayo sa ngayon, ninanamnam natin mabuti iyon bawat salita ng misa, iyon bawat mystery ng rosary, iyon bawat awit sa misa.
Siguro nga kaya ganun ang tama sa puso dahil now we feel the power of prayers.
Sabi nga kasi, mas madalas lang ang tawag natin kay God pag meron tayo hinihingi, pag meron problema. Pero pag wala, hayun dedma lang.
Pero now nadama natin ang takot heto tayo at taimtim na tumatawag kay God.
Si God parang magulang natin, kahit anong gawin natin pinatatawad niya tayo at kahit anong mangyari kukupkupin niya tayo.
Unconditional ang love niya sa atin , kaya sure ako He is just around, ready to help us.
- Latest