Tama Salve ang sinabi ng isa nating follower sa IG na ‘pag nagbibigay ka ng komento dapat handa ka rin sa komento ng iba.
Kung ikaw ay nakasakit ng iba, dapat handa ka rin masaktan. ‘Yan ang reason kung bakit hindi ako napipikon kahit kung minsan nakakaloka din na ‘yung iba ay nagmumura at gumagamit na ng masasamang salita.
Na dapat na hindi pansinin dahil how can something so trivial na puwedeng ikagalit ng sobra ng isang tao to the point na magsasalita siya ng masama?
Pathetic especially when they think na ‘pag sumagot ka akala nila nagpapaawa-effect ka. Never siguro na magiging bagay sa akin ‘yung bait-baitan school of acting, dahil ever since mukha akong kontrabida.
Sa panahon ngayon, dapat ‘yung kagagahan ko ay huwag seryosohin dahil mas marami pang importanteng bagay at huwag aksayahin ang oras sa isang matanda na 73 years old na ay nang-ookray pa, hahaha.
I simply cannot get it, ‘yung magagalit ka ng sobra at mumurahin mo ang isang tao na hindi mo kilala at binasa mo lang ang post sa IG.
Grabe ha, ayaw ni coronavirus ng ganyan, baka magalit at hindi na umalis.
Kung ‘yung post ko o sinulat ko dito sa column ko ay nakakagalit, problema ko na yun, huwag n’yong problemahin.
Kaya n’yong sayangin ang oras at emosyon n’yo, ako ang may problema, hayaan n’yo ako.
Mga nagta-trabaho rin sa supermarket at drug store, dapat ding pasalamatan
Ang ilang tao pa na dapat nating pasalamatan ay iyong sales people sa mga supermarket at drug store.
Hirap siguro silang magpunta sa trabaho pero tinitiis nila dahil nga ang mga tindahan lang ng basic necessities ang bukas.
Malaki rin ang sakripisyo nila at imagine mo rin na hayun sila at ayaw patalo sa takot, pumupunta pa rin sa mga supermarket at drug store para hindi magkaroon ng shortage.
Ang dami talagang unsung heroes ngayon na nasa critical period ang bayan natin.
Ang dami nating dapat pasalamatan. Ang daming taong nagpakita ng malaking puso sa pagtulong.
We love you. Forever grateful for all the help.