Ben Affleck in love na in love sa isang Spanish actress, walang paki sa COVID-19

Mukhang hindi sinusunod ng Hollywood actor na si Ben Affleck ang social distan­cing dahil in-love na in-love ito ngayon sa Spanish actress na si Ana de Armas.

May natapos nang pelikula ang dalawa titled Deep Water.

Nakitang magkasama ang dalawa sa beach in Costa Rica. Sa mga naging saksi, walang awat daw sa PDA (Public Display of Affection) ang dalawang Hollywood stars.

Panay ang yakapan at hol­ding hands ng dalawa simula noong dumating sila sa Costa Rica.

Nagsimula raw ang romance ng dalawa sa hometown ni Ana in Havana, Cuba.

Kuwento ng People: “Ana was his tour guide and took him to all her favorite places. Ben seemed to love the trip. He was in a great mood and very friendly. They are definitely da­ting. They had great chemistry right from the start.

“Ben always seemed very relaxed and happy around Ana, but at the time there were no signs of romance. He was very focused on making a fantastic movie. He arrived early and was one of the last people to leave.”

Nag-aral ng Spanish language si Ben para lang kay Ana dahil gusto niyang magkaroon pa ng mas malalim na relasyon dito.

AiAi pinagbigyan ang buntis na fan sa selfie

May kanya-kanyang paraan ang celebrities ngayon para makaiwas na mahawa at makahawa sa kanilang kapwa dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Isa nga raw na mabisang paraan ay ang social distancing or one arm length distance mula sa katabi mo.

Sa celebrities, iwas muna sila na magpa-selfie sa fans. Kung pagbibigyan naman nila, dapat ay may konting distansya para safe silang pareho.

Tulad na lang sa nangyari kay Comedy Queen AiAi delas Alas noong mag-attend ito ng graduation day ng kanyang mister na si Gerald Sibayan sa Subic, Zambales noong nakaraang March 10.

May isang female fan na humiling ng selfie with AiAi. Pumayag naman si AiAi pero nakiusap siya na dumistansya ng konti dahil buntis daw ang female fan. Mahirap na raw yung mahawa ang baby nito sa loob ng tiyan.

“Sana maintindihan nilang hindi nagsusuplada ang mga artista. Para rin sa kapakanan ang ginagawa ko na social distancing,” sey ni AiAi.

Nagkaroon din ng isang commitment si AiAi sa Tagaytay noong March 12, pero nakiusap siya sa producer na wala munang beso-beso dahil sa sitwasyon ngayon.

Social distancing din ang pinapatupad ni Bela Padilla. Kung puwede raw ay wala munang photo op bilang pag-iingat sa virus.

Noong nakaraang March 11, may pinagbigyan siyang fan na lapitan siya sa grocery. Pero last na raw iyon dahil kailangan sundin ang social distan­cing.

Mommy D na-fake news!

Pinabulaanan naman ng Pacquiao Family na hindi infected ng COVID-19 si Mommy Dionisia.

Sa pamamagitan ng isang official statement na pinost sa Facebook ni Jinkee Pacquiao, nasa mabu­ting kalagayan daw si Mommy Dionisia at fake news na may COVID-19 ito.

“In behalf of the whole Pacquiao family, we would like to assure the public that Mommy Dionisia is in good shape, she is very much healthy.

“We are very grateful to those who expressed their concerns for Mommy D maraming salamat po sa pagmamahal God bless you and please continue to pray for our country.

“May we all get through this together. Let us please pray for those who are infected by the Covid-19 virus and their family.

“To those who are spreading lies and fake news we will pray for you. God bless us all. God bless the Philippines.”

Show comments