^

Pang Movies

Direk Joel nagsalita sa senado sa pagyurak sa kalayaan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Direk Joel nagsalita sa senado sa pagyurak sa kalayaan
Direk Joel

Nalulungkot si direk Joel Lamangan sa tinalakay na pagpatay sa plataporma ng malayang pamamahayag.

“Ang anumang pagkitil sa prangkisa ng ABS-CBN ay malinaw na pagyurak sa kalayaan sa pananalita at malayang pamamahayag,” bahagi ng opening speech ni direk Joel.

Dumalo si direk Joel sa hearing tungkol sa renewal of franchise ng ABS-CBN sa Senado bilang president ng Director’s Guild of the Philippines.

Si Senator Grace Poe ang Chairman ng Public Services Committee na namamahala sa legislative franchises.

Para naman kay Senator Manny Pacquiao, “Parang malaking kawalan ng buong sambayanang Pilipino ang mawala ang ABS-CBN.”

Naungkat ang naging isyu kay President Rodrigo Duterte kaya galit sa ABS-CBN base sa pahayag ni Senator Bong Go. Pero handa raw niyang kausapin si P. Digong dahil ayaw niya nang may nawawalan ng trabaho.

Tugon naman ni Carlo Katigbak, President at CEO ng ABS-CBN,  “We are sorry if we offended the President. I know our Chairman Mark Lopez share this, ABS-CBN does not and will not have it’s own political agenda.”

Namataan sa hearing sina Robin Padillla at Phillip Salvador na pro-Duterte.

Tweet ni Paulo Avelino after magsalita ni direk Joel, “Joel Lamangan for Senator.”

Sana, kapag na-renew ang franchise ng Dos, sana ay bigyang pansin ang reklamo sa labor ng ilang workers lalo na ‘yung nagtatrabaho bilang production staff and crew.

 

DIREK JOEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with