^

Pang Movies

Sikat na supporter ni Pres. Duterte dinedma sa lambing na franchise renewal

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kumilos daw ang isang sikat na male celebrity para kausapin ang isang taong malapit kay Presidente Rody Duterte.

Eh kaugnay ng ABS-CBN franchise renewal ang pakay niya. Malakas ang loob ng celeb dahil tumulong siya sa kampanya ni PDigong.

Pero butata ang request ng celeb. Ayon sa aming source eh, ayaw daw siyang kausapin nito ayon sa nilapitan niyang tao.

Thea at Mikoy madalas mag-break

Kinumpirma ng Kapuso actress na si Thea Tolentino na break na naman sila ng boyfriend na si Mikoy Morales.

Nakita namin si Thea sa blessing at soft opening ng bagong lipat na Korean resto business na House of Go-Gi sa Banawe St., QC.

Naku, hindi ito ang unang beses na nag-break ang dalawa. Pero lagi naman silang nagkakabalikan.

Hindi na dinetalye ni Thea ang rason ng hiwalayan pero saad pa niya, in good terms pa rin sila ni Mikoy at nag-uusap pa rin, huh!

Kris magpapagawa muna ng bahay bago pakasal

Ibinalita ni Kris Bernal na uunahin muna nila ng fiancée niyang si Perry Choi ang pagpapagawa ng bahay bago ang kasal nila.

Matatandaang nag-propose na si Perry kay Kris nung surprise birthday celebrations na inorganisa niya. Nagulat siya dahil inalala niya kung nakausap ba ng fiancé ang nanay niya at ang GMA Artist Center na nangangalaga sa career niya.

Nalaman niya na lang na the night before the party eh, kinausap na ni Perry ang nanay niya at Artist Center.

Bukod sa pagiging fiancé, business partner din niya si Perry na nagsu-supply ng karne at cheese sa business niya.

vuukle comment

RODY DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with