MANILA, Philippines — Pinakilala ng Super Radyo DZBB noong nakaraang Lunes, Pebrero 10, ang bagong boses ng early morning program nito.
Mapakikinggan mula Lunes hanggang Biyernes sa Dobol B Balitang Balita ang pinakabagong Kapuso radio anchor na si Weng dela Peña tuwing 4:30 hanggang 5:30 ng umaga.
“I’m just happy and blessed na ‘yung tiwala ay naibigay sa akin,” saad ni Dela Peña.
Para sa kanya, napakahalaga ng content ng programa para makuha ang atensyon ng listeners. “Malaki ang contribution ng mga istoryang ilalabas ko. More than me, it’s the story that I deliver. You have to somehow tell the story in a way na talagang ang ganda ng pagsabi. If the person you listen to sounds interested and sincere in his delivery, that is how you keep them more alert and attentive.”
Mahigit dalawang dekada na rin ang karanasan ni Dela Peña sa radio. Bago siya maging isang Kapuso, naging news anchor at commentator siya sa Philippine Broadcasting Service at kinilala rin siya bilang Best Radio Public Service Host sa 2019 KBP Golden Dove Awards.