Natawa kami sa kuwento ng isang kaibigang aktor sa aktres na kasama niya sa isang TV show. Dahil sa aktres, may tinanggihang project ang aktor dahil akala niya sobrang nakakapagod ang ginagawa ng aktres sa taping ng show na halos kapareho sa ini-offer sa aktor.
Huli na nang malaman ng aktor na hindi mabigat ang ginagawa ng aktres sa taping ng show kung saan nagho-host ang aktres at mabilis matapos ang taping. Minsan pa nga, sa isang taping day, dalawang episodes ang ginagawa ng aktres at co-host nito, kaya magaan ang load.
Kaya naman inakala ng aktor na pagod ang aktres sa show dahil dumarating ito sa taping nila nang pinagsamahang show na latang-lata at pagod na pagod. Kapag kinausap, hirap sumagot, kaya ang feeling ng mga kasama sa taping, sobra siyang pagod, ‘yun pala hindi naman siya napagod.
Kaya, laking panghihinayang ng aktor nang malamang magaan ang trabaho sa show na ino-offer sa kanya, nasa airconditioned studio siya at magko-comment lang sa kanyang napanood. Umaasa ang aktor na wala pang nakikita ang network na kapalit niya at balikan siya nang kumausap sa kanya at muling i-offer ang trabahong tinanggihan dahil sa maling akala.
Jackie hindi pa mabanggit ang pangalan ni Andre
Mararamdamang hindi pa okey sina Jackie Forster at ang anak niyang si Andre Paras dahil sa isa niyang post, hindi niya nabanggit ng buo ang pangalan ng anak at “A” lang ang sabi.
May post kasi si Jackie na naging emotional siya habang nagwu-walk the aisle ang anak na si Caleigh na flower girl sa isang wedding na dinaluhan nila sa Panglao, Bohol. Wish nitong maging mabagal ang takbo ng oras at araw at ang pagiging flower girl muna ni Caleigh ang kanyang mawi-witness.
Kuwento nito, habang nakaupo sa simbahan, nakita niya si Kobe Paras na malapit sa kinauupuan niya. “I thought, I need to pray harder pala. I have him and A to think of first. WAG MUNA PLEASE.”
Hindi nga nakakasama ni Jackie at ng kanyang pamilya si Andre kahit nasa bansa sila ng kanyang asawa at mga anak. Tanging si Kobe ang lagi nilang nakakasama sa bakasyon dito hanggang bakasyon sa ibang bansa.
Ang maganda kina Jackie at Andre, walang nagsasalita ng masama laban sa isa’t isa, kaya dumating man ang pagkakataon na magkaayos sila, mababawasan ang kanilang sumbatan.
Wowowin kukuha ng bagong co-host ‘pag Sabado
Sa February 15, 2020 na pala ang simula ng Saturday airing ng Wowowin at in-announce ito ni Willie Revillame sa episode ng kanyang show the other afternoon. Ang magiging title na raw ng show ay Wowowin Primetime na mapapanood 7PM.
Ang nasabing time slot ay time slot ng The Clash na dahil wala pang bagong season, bakante. Kaya lang paano na ‘pag magkaroon na ng Season 3 ng The Clash na siniguro ni Julie Anne San Jose at nabanggit na rin nina Christian Bautista at Mark Bautista.
Mababago kaya ang time slot ng The Clash at ng Wowowin Primetime? Pero, bago natin problemahin ‘yun, abangan muna natin ang Saturday episode ng show ni Willie at kung may bago ba siyang co-host?
Lovi na-stock na sa BF
Hindi natuloy bumalik sa Pilipinas si Lovi Poe dahil nakansela ang flight niya from Los Angeles to Manila dahil sa pagputok ng Taal Volcano. Sa kanyang IG story, makikita si Lovi na nasa sasakyan niya on the way to airport.
Pero sabi nito, “Flight to Manila got cancelled Heading back then... Hope everyone’s safe back home. Been seeing photos and keeping myself update. Praying for EVERYONE’S SAFETY.”
Sa Los Angeles nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon si Lovi sa piling ng boyfriend niyang si Monty Blencowe.
Mabuti at wala yatang commitment si Lovi dahil tapos na ang shooting ng movie niya sa Viva Films at tapos na rin ang taping niya ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Si Lovi ang gumaganap na young Dina Bonnevie at magiging ina ni Kate Valdez at sa teaser na ipinalabas ng GMA-7, confrontation nila ni Max Collins dahil kay Jason Abalos na gumaganap na young Jay Manalo.