Noon P600 million ang kita, ngayon P250 million lang
As of this writing, ayon sa isang source, ay almost P600 million pa lang ang kabuuang kita ng Metro Manila Film Festival 2019.
Kaya naman feeling ng ka-chika ko, hindi na aabot ng P800 million hanggang matapos this weekend ang kita ng MMFF 2019.
Last year ay umabot ng P1 billion mark ang MMFF pagpasok ng January 7.
Kung mapapansin din daw ayon sa source, malaki ang declined sa kita ng pelikula ni Vice Ganda na The Mall The Merrier na this year ay nag-No. 2 lang sa movie ni Aga Muhlach na Miracle In Cell No. 7.
Last year kasi ay almost P600 million ang kita ng movie ni Vice na Fantastica pero ngayong MMFF, P250 something lang daw.
Tanong tuloy ng ka-chika ko, parang hindi naman daw suwerte si Vice kay Ion Perez na dyowa ng komedyante at isa sa mga starring sa The Mall The Merrier.
Michael V., excited sa Voltes V Legacy
Isa ang Kapuso multi-awarded comedian na si Michael V. sa mga na-excite sa gagawing live action adaptation ng GMA sa sikat na anime series na Voltes V Legacy. Bilang isang self-confessed Voltes V fan, isa si Bitoy sa mga nag-share ng teaser ng anime series sa Twitter. Ayon sa Kapuso actor, “Veeeery promising! Excited for this one. Let’s volt in!” Sinang-ayunan naman ito ng kanyang followers na looking forward na rin sa proyektong ito ng Kapuso Network.
Bukod sa super robot, ipinasilip din sa teaser ang Camp Big Falcon at ang leader ng mga kalaban na si Prince Zardoz.