Malapit nang maging Mrs. Manzanero si Sheena Halili at nag-emote ito via Instagram sa panahon na single pa lang siya at hinahanap pa si Mr. Right.
Bago na-engage si Sheena, na-link ito romantically kina Rainier Castillo, Jan Manual at Rocco Nacino.
Pero natagpuan na nga niya si Mr. Right sa katauhan ni Jeron Manzanero.
“Maiba ako, alam niyo bang sa ilang taon kong nabubuhay dito sa earth eh mas maraming araw na, ako lang? As in ako lang! Single! Feeling tatandang dalaga! At naiinip narin bakit wala pa siya?!
“How I love my life now, Lord. Thank you, Sheena at nagpakatatag, naging matapang ka at naghintay. Mamimiss ko rin ito. Pero excited na ako sa next chapter ng buhay ko! GAME!” bahagi ng kanyang IG post.
SupermodeLs na may Asian heritage maglalaban-laban
Higit na 38 contestants ang maglalaban para sa magaganap na Global Asian Model Search na magaganap sa Cove Manila on November 21.
Ang hihiranging ultimate Male and Female models ay magwawagi ng cash prizes and guaranteed modeling placements in Manila, Singapore, Bangkok, Los Angeles, New York.
Pinakilala na sa media ang mga contestants mula sa iba’t ibang bansa na may Asian heritage. Galing ang mga contestants sa mga bansang Japan, South Korea, Malaysia, Thailand, Indonesia, Vietnam, Cambodia, Canada, United Kingdom, Italy, Germany, Netherlands, Western Australia, New South Wales, Nepal, USA and the Philippines.
Ang Philippine representatives natin ay sina Vince Marcelo and Ella Lubag.
Miss Universe Japan, pinoy ang favorite designer
Gowns na gawa ng Pinoy designers ang isusuot ng magiging representative ng bansang Japan sa 2019 Miss Universe.
Ang nagwaging Miss Universe-Japan 2019 ay si Ako Kamo.
Nasa Pilipinas kamakailan si Miss Japan para maayos na ang mga isusuot niyang competition gowns na gawa ng mga student designers ng Slim’s Fashion School at ng designer na si Joel Escober.
Naging exchange student pala sa Pilipinas si Miss Universe-Japan Ako Kamo noong 2017. Anim na buwan siyang nag-aral sa Assumption College in San Lorenzo, Makati. Kaya marunong itong mag-Tagalog at nakita niya ang magagandang gowns na gawa ng Pinoy designers.
Hindi nga raw typical pageant girl look ang gowns na ginawa para kay Kamo ng Pinoy designers. Binigyan nila ito ng high fashion at edgy unique style na on trend ngayon sa Japanese fashion.
Desididong manalo si Kamo bilang Miss Universe this year. Dalawa pa lang kasi ang napo-produce na Miss Universe ng Japan: Akiko Kojima in 1959 and Riyo Mori in 2007.