Kapuso artists,may hugot

Liezel Lopez

MANILA, Philippines — Dalawang bagong short films ang handog ng GMA Public Affairs’ viral drama na One Hugot Away, ang Let Go Na at Paano Ibabalik ang Spark?.

Simula ngayong Lunes (November 18), huhugot sina Starstruck 6 alumna Liezel Lopez at Kapuso young actor Ralph Noriega sa Let Go Na.

Isang 19-anyos na online seller ang gagampanan ni Liezel bilang si Karla, na kahihiwalay lang sa 22-anyos niyang boyfriend nasi Francis (Ralph). Isang araw, nakatakdang mag-FB Live si Karla para magbenta ng kanyang pre-loved items na lahat ay mga bigay, regalo o may kinalaman sa dating boyfriend. Handa na nga bang mag “let go” ang dalaga? Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Francis?

Mapapanood ng viewers ang Let Go Na hanggang November 21 sa commercial gaps ng Kapuso Movie Festival, The Gift, at Sky Castle.

Sa susunod na linggo (November 25 to November 28), sina StarStruck 6 alumnus Prince Cle­mente at stage actress at vlogger Jessica Paula Dizon naman ang bibida sa Paano Ibabalik ang Spark?.

Insurance agent ang 34-year-old na si Katrina (Jessica) pero may problema siya sa kanyang asawa. Mukhang nawawala na kasi ang ‘spark’ sa pagitan nilang mag-asawa. Sa kahabaan ng traffic sa EDSA, ilalabas ni Katrina sa 33-anyos na TNVS driver na siTony ang kanyang mga hugot sa pag-ibig. Si Tony, hindi lang yata sa pagmamaneho eksperto, pati rin sa pagbibigay ng love advice. Ano nga ba ang kahahantungan ng tila pagiging close nina Katrina at Tony sa isa’t isa? May pag-asa nga bang maibalik pa ang ‘spark’ sa buhay pag-ibig ni Katrina?

Abangan ang Paano Ibabalik ang Spark? sa commercial gaps ng Kapuso Movie Festival, The Gift, at Sky Castle. Online, ang unang bahagi ay mapapanood ng netizens sa November 26, 5 pm, habang sa November 29 ng tanghali naman mapapanood ang finale sa Facebook (www.facebook.com/GMANetwork) at YouTube (www.youtube.com/GMANetwork) accounts ng GMA Network.

Si Zig Dulay ang nagsulat at director ng mga pelikula.

Show comments