Yung pader na naghihiwalay sa lugar ng isang religious group sa Commonwealth Ext. ay meron ding pagpapakita ng expression ng kanilang sining sa nasabing lugar, pero bakit doon ay marami ang nagagandahan in contrasts sa ginawang pagsusulat sa mga bagong linis na pader ng Lawton Underpass? Hindi nakapagtataka na maglabasan ang ugat ni Manila Mayor Isko Moreno sa galit dahil nga katatapos lamang linisin ng mga kawani ng City Hall ang lugar.
Puwede namang ipamalas ng mga gumawa nito ang kanilang protesta nang hindi nagba-vandalize sa lugar. Bakit hindi sa mga poster o tarpaulin na kinakailangan pa nilang ihingi ng permiso, dahil hindi sila papayagan? Meron din nito sa Quezon Bridge, kahabaan ng A. Bonifacio Ave. Dapat talagang maparusahan ang mga gumawa nito.
Ritz gaganap sa life story ng TNT contestant
Malalaman na sa Sabado, November 16, sa episode ng Maalaala Mo Kaya kung ano ang nangyari sa pagkikitang muli ni Violeta Bayawa at ng kanyang asawa na nakahiwalay niya ng halos 50 taon bago nagkitang muli.
Nangyari lamang ito nang bumalik ng bansa ang lalaki para makita siyang muli matapos mapanood ang pagkakasali niya sa ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.
Marami ang interesado sa kuwento ni Violeta, ang ginang na iniwan ng kanyang kabiyak kahit ‘di pa nasisilayan ang kanilang panganay.
Ano nga kaya ang dahilan ng matagal nilang hiwalayan? At ano ang magiging resulta ng muli nilang pagkikita.
Sasagutin lahat ito ng episode ng MMK na sinulat ni Akeem del Rosario sa direksyon ni Arden Rod Condez. Si Ritz Azul ang gaganap ng role ng kontesera ng TNT at si Joseph Marco naman ang kanyang asawa.
Jin Macapagal nakausad agad ang career
Maganda ang feedback sa takbo ng karera ng kaunaunahang Bidaman ng It’s Showtime na si Jin Macapagal. Nagsimula lamang ito ng pagpapakita niya ng talento sa pagsasayaw na masasabing above the ordinary.
Suwerte rin siyang napasama sa isang musical movie na Damaso.
‘Di ko pa ito napapanood kaya ‘di ko knows kung kumakanta rin ba siya, pero ang pinupuri sa project ay ang kanyang pag-arte na sinasabing may malaking potensyal. He portrays Crisostomo Ibarra sa nasabing proyekto.
Ice abala pa rin sa concert
Kung ang wife niyang si Liza Diño Seguerra ay abala sa pamamahala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at sa pagpapaunlad ng lokal na industriya ng pelikula, hindi naman napapabayaan ni Ice Seguerra ang pagpapaunlad din ng OPM (Original Pilipino Music).
May concert si Ice sa November sa 23 sa The Tent of Solaire. Hindi siya nag-iisa, kasama niya si Noel Cabangon sa Kwerdas, isang simpleng gabi ng kantahan at pagtugtog ng gitara. Ang dalawang tampok sa concert ang maituturing na pinakamagaling na kumalabit ng gitara sa bansa.