Leila kakaiba ang style ng pagsusulat ng kanta
MANILA, Philippines — Binanggit ni Ogie Alcasid sa ASAP Natin ‘To kahapon na sold-out na raw ang tickets ng concert niyang Ogie and The Hurados na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.
Pero tuloy pa rin siya sa pag-promote dahil sure na rin ang kanilang repeat sa November 8.
Inaasahan na lang ni Ogie na may madadagdag pa siyang ibang hurados ng Tawag ng Tanghalan para sa kanilang repeat.
Nang nakatsikahan namin ang singer/songwriter nung nakaraang linggo para sa promo nang naturang concert, napag-usapan namin ang panganay niyang anak na si Leila na ipinagmamalaki niyang magaling din palang magsulat ng mga kanta.
“I think Leila’s gift is in songwriting. She’s a brilliant writer. I think she’s a great vlogger,” pagmamalaki ni Ogie.
Marami na raw nagawa si Leila at narinig daw niya ang karamihan nagawa nitong kanta at bilib na bilib siya dahil iba raw ang style nito.
Tingin nga raw niya, hindi niya kayang kantahin ang mga nagawang kanta ng anak niya.
“Hindi ko kaya yung mga kanta niya.
“She’s got style. I think she’s very sophisticated. Her music is in mainstream pop.
“Parang cross between jazz and soul, and blues. Para siyang Norah Jones. Yung bago niyang tracks na pinadinig niya sa akin, sabi ko ‘wow saan nanggagaling yun,” napapangiting kuwento ni Ogie.
Masasabing ‘cool dad’ na tipo si Ogie pagdating sa mga anak niya.
Napaka-independent na raw ni Leila ngayong 22 years old na siya, dahil hindi raw niya bini-baby.
Nagulat nga siya minsan nang tinanong daw siya ni Leila tungkol sa investment. “Marami ka nang pera anak?” tanong daw niya kay Leila.
“Yang mga batang yan, gawin nila ang gusto nilang gawin kahit anong sabihin mo. So, I’m just there to….parang tayo naman ‘di ba? Nung bata tayo hindi naman tayo...yung ‘anak dito ka lang. You did what you wanna do.
“I want it to be that way as a parent…I look at her as an adult. So, whatever decision she makes…siya na yung nagbabayad ng bills niya. She has her own account. If she has a travel, I don’t pay for that. Natututo siyang magtipid, mag-budget,” pahayag ni Ogie.
May mga ipinagbabawal pa rin naman daw siya na sinusunod naman ng anak niya.
“I think she puts a limit to herself also. She doesn’t sleep over. No one can sleep in our house.
“She and her boyfriend goes to same church,” dagdag na kuwento ni Ogie.
Kilalang rapper itong boyfriend ni Leila na si Curtismith, Mito Fabie ang tunay na pangalan.
“He’s very God-fearing. He’s a good influence to Leila,” puri ni Ogie dito sa boyfriend ng anak niya.
Minsan nga ay niyayaya pa raw niya ito ng inuman sa bahay nila, at gustung-gusto ring kalaro ni Nate. Kaya masaya si Ogie sa mga anak niya na masunurin at hindi umaabuso.
Kahit nga ang isa pa niyang anak na si Sarah, nasa Australia, 17 years old pa lang daw iyun, pero may boyfriend na napakaguwapo raw.
“Hindi ko lang alam eh, baka puppy love lang. Bata pa eh,” sabi naman ni Ogie.
Almira masaya sa pagiging madrasta sa anak ng businessman boyfriend
Magsisimula na ngayong araw ang bagong afternoon drama ng GMA-7 na Madrasta, tampok sina Arra San Agustin, Thea Tolentino at Juancho Trivino.
Medyo nabataan nga kami kay Arra para gumanap na Madrasta pero sabi niya, 24 years old na raw siya at bumagay naman daw sa kuwento ang role na ginagampanan niya.
Pero ang totoong madrasta pala na kasama sa naturang serye ay si Almira Muhlach.
Committed ngayon si Almira sa isang businessman at meron na raw itong anak. Kaya naging madrasta siya sa anak ng kanyang partner.
“We are a blended family. I have my own kids, meron din siyang anak. Okay naman kami. Possible naman eh,” pakli ni Almira nang nakatsikahan namin sa mediacon ng Madrasta.
Kahit ang tatlong anak niyang babae kay Bong Alvarez ay may madrasta na rin pero napakabait daw nito sa kanyang mga anak.
“I’ve never met her but she’s very nice to my children.
“My children are very close to her. They talked on the phone, when she goes abroad,” pahayag ni Almira tungkol sa pakikitungo ng mga anak niya sa kanilang madrasta.
Kaya masaya na raw siya ngayon dahil okay naman daw sila ni Bong kahit wala silang komunikasyon.
Paulit-ulit din siyang nagpapasalamat dahil nabigyan siya ng trabaho ng GMA-7.
Masaya raw siya dahil nairaos niya ang tatlong anak niyang nakapagtapos na at okay na okay na raw ang kanilang buhay.
Okay naman ang showbiz career ng panganay niyang anak na si Alyssa, ang pangalawang anak daw niyang si Aila ay tinatapos daw ang pagdu-doctor sa FEU, at ang bunsong anak niyang si Ina ay nag-graduate na Magna Cum Laude sa University of Asia and the Pacific sa kursong Entrepreneurial Management.
“Yung mga napagdaanan ko hindi ko akalain na nalagpasan ko pala siya.
“Ang importante kasi na naging maayos ang mga anak ko.
“Naging maayos ang buhay nila. Solo yun as in ginapang ko talaga,” pagmamalaki ni Almira.
“That’s what I like about my children kasi sinuklian nila yung dugo at pawis. Sinuklian nila yung nag-aaral nang mabuti,” dagdag niyang pahayag.
Sa ngayon ay masaya na raw siya sa piling ng partner niya at wala pa naman daw silang planong magpakasal, pero nandiyan pa rin ang dream niyang magpakasal uli kahit hindi naging successful ang una niyang pag-aasawa.
“Yung partner ko ngayon, he knows that I still believe in marriage. Because I want to set good example to my children na iba pa rin ang kinakasal ka, nagkamali lang si Mommy sa napili,” masayang pahayag ni Almira.
- Latest