Aga at Alice wala sa hitsurang tumatanda

Maganda at interesting yung napanood kong teaser ng Nuuk, isa sa mga comeback movie ni Aga Muhlach at Alice Dixon. Pareho nang may edad ang dalawang artista, pero bakas pa rin sa pelikula ang good looks nila na nagawa nilang ma-preserve sa pagdaan ng mga taon.

Ang Nuuk ay kinunan sa Greenland na akala ko because of its name ay pawang mga halaman at puno ang makikita, pero nababalutan pala ito ng yelo at puting-puti.

Kung paano dito ginustong kunan ni direktor Veronica Velasco ang movie ay malalaman natin sa mga susunod na araw bago ang pagpapalabas nito sa mga sinehan sa buwang ito.

Sugar at Donita nangakong magpapakabait na sa Wowowin!

Hindi lang ang set at ang kabuuan ng studio ng Wowowin ang ginastusan at binago ni Willie Revillame, nagawa rin nitong tanggapin ang pagbabalik sa programa niya ng dalawa niyang natanggal na co-host dahil sa palaging pagkawala sa show, sina Sugar Mercado at Donita Nose na nangakong bibigyan na nila ng prayoridad ang programa at palagi nang sasamahan sa pagho-host si Willie.

Matatandaan namang mahusay sa kanilang trabaho ang dalawang host at naibigay sa programa ang mga nire-require sa kanila. Sugar will have to have help para may tumingin sa mga anak niya na siyang dahilan ng madalas niyang pagliban sa programa. Si Donita Nose naman will have to fix her schedule para ang work niya outside of Wowowin ay hindi makagambala sa show. All’s well sa mga dating magkakasama sa Wowowin.

Michelle Dee mahilig sa panlalaking sports

Sa ganda ng anak ni Melanie Marquez na tinanghal na Miss World Philippines na si Michelle Dee ay walang nag-akala na athletic pala ito. Mahilig ang dalaga sa sports na boxing, basketball, horseback riding, sports na kadalasang mga lalaki ang gumagawa at kung may pagka-boyish siya ay hindi ito bakas sa pagrampa niya at pagsali sa beauty contest.

Inaasahan na katulad ng kanyang mommy na naiuwi ang Miss International crown, magiging maganda rin ang gagawing pagsali ni Michelle sa international pageant.

Imelda naipakita ang kabilang side ng personalidad

Maganda ang ginawang paggi-guest ni Imelda Papin sa Tonight with Boy Abunda. Hindi lamang niya nagawang ma-promote ang Queen@45 concert niya na magaganap sa Philippine Arena ngayong October 26, nagawa rin niyang maipakita ang kabilang side ng kanyang personalidad na very confident at truthful.

Nagawa pa niyang idaan sa pagbibiro ang naging kumpitensya nila noon nina Claire dela Fuente at Eva Eugenio na kasama niya sa concert.

Malayo na ang nararating ng ngayon ay pangulo ng Actors Guild o Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT), isang mahirap na gawain na tinanggap niya kahit mas kilala siyang singer kesa artista.

Sa kabila ng pagiging abala niya sa pagkanta at isa na ring lingkod bayan sa pagkakahalal niya bilang vice governor ng Camarines Sur, marami pa rin siyang naibibigay na benepisyo sa kanyang mga miyembro na sa kabutihang palad ay sinasalihan na rin ng mga may mga pangalang artista.

Dati kasi ay pawang mga maliliit na artista lamang ang join sa KAPPT, pero ngayon ay dumarami na sila.

Show comments