Kinuwento ng dating basketball star na si Dennis Rodman na handa siyang bayaran ng singer na si Madonna ng $20 million para lang buntisin niya ito.
Sa interview kay Rodman sa radio show na The Breakfast Club, kinuwento niya na nagkaroon sila ng relasyon ni Madonna noong 1993 at gusto raw nitong magkaroon sila ng anak.
“She said, ‘Dennis, you know that I’m ovulating,’ I said, ‘What is that?’ I was trying to f–k with her, you know?” sey pa ng 58-year old retired basketball star.
Nasa Las Vegas daw si Rodman noong tawagan siya ni Madonna at pinadalhan pa siya ng private jet para sunduin ito at mag-sex sila. Pagkatapos ay bumalik pa raw sa Vegas si Rodman para tapusin ang naiwan niyang pagsusugal.
“She asked me that if I got her pregnant, she’d pay me $20 million. That’s if the child was born,” dagdag pa ni Rodman.
Hindi nga nabuntis ni Rodman si Madonna. Nagkaroon ng anak ang singer sa dancer-trainer nito na si Carlos Leon na pinangalanan nilang Lourdes “Lola” Leon. Nagkaroon din ng anak na lalaki si Madonna named Rocco mula sa ex-husband niyang British director na si Guy Ritchie. Wala namang naging anak si Madonna sa unang ex-husband niya na si Sean Penn.
Si Rodman naman ay may tatlong anak mula sa dalawang babaeng naging asawa niya.
Rhea Santos nagsimula na uli sa pag-aaral!
Natuwa ang followers ng former Unang Hirit host na si Rhea Santos dahil sa pinost nito sa Instagram ng kanyang pagiging school girl ulit sa edad na 40.
Back to school nga si Rhea sa kanyang kursong Broadcast and Online Journalism sa British Columbia Institute of Technology in Canada.
Ang makapag-aral ulit ang isa sa dahilan kung bakit niya iniwan ang 19-year old broadcasting career niya sa GMA-7.
“On a High! Back to school today,” post ni Rhea.
Naging parang tour guide pa si Rhea at pinakita niya ang daan papunta sa kanyang magiging classroom.
Noong August 2019 nagpaalam si Rhea sa kanyang mga shows sa GMA 7 na Unang Hirit at Tunay Na Buhay para mag-migrate sa Canada kasama ang kanyang buong pamilya.
Sitti natupad ang pangarap nang magka-anak
Ang maasikaso ang kanyang pamilya ang importante ngayon para sa nakilalang Bossa Nova Queen na si Sitti Navarro.
Simula raw noong mabuntis at magkaroon ng anak, nagbago na raw ang priorities niya sa buhay.
Sa naging interview sa kanya sa programang Magandang Buhay ng ABS-CBN, kinuwento nito ang naging pagbabago sa buhay niya simula noong maging isang nanay na siya.
Nagawa niyang tanggihan ang maraming trabaho dahil sa hangad niyang magkaroon ng sariling pamilya.
“Months before that nag-release ako ng Electro Sitti na album. Sobrang iba siya. Siyempre kilala ako sa bossa nova and I did this experimental album which is electronic music na sobrang excited ako gawin. All original.
“Handa na akong mapuyat kasi may club tour, pero ‘yun pala ‘yung plano ni Lord for me na puyat ay dahil sa baby.
“So naisantabi siya. Pero sa akin, parang okay lang for me na hindi siya natuloy kasi naniniwala ako na lahat ng pangarap natin, kung para sa atin talaga siya, mangyayari siya.”
Ang naging sakripisyo na ito ni Sitti sa kanyang career ay naging paghahanda pala sa mas magandang mangyayari.
“Hindi man nangyari ‘yung club tour na ‘yun may iba namang plano si Lord for me, which is this coming September 28.
“I’ll be participating in an international jazz festival in Malaysia.
“Sobrang ‘yun ang dream come true ko, na pangarap ko siya years back even before I got married I think, tapos nakalimutan ko na.
“And then ngayon na puyat-puyat ako na hindi ko na iniisip ang musika ko biglang ngayon siya ginantimpala ng Panginoon, so sobrang thankful ako.”
Nakilala si Sitti dahil sa pag-revive nito ng bossa nova music noong 2006. Nabigyan siya ng titulong Bossa Nova Queen dahil nagawaran ng 2x Platinum ang debut album niya na Café Bossa.
Naging hit ang mga singles niya sa album na Tattooed On My Mind, Hey Look at the Sun, I Didn’t Know I Was Looking for Love, and Para Sa Akin.