Sine Sandaan venue magbibigay-pugay sa Pinoy art Deco Cinema

 Take a trip down memory lane...

‘Yan ang tiyak na mararanasan ng honorees, li­ving legends, at icons ng Philippine Cinema sa darating na Sine Sandaan: Celebrating the Lumina­ries of Philippine Cinema’s 100 Years bukas, Setyembre 12 sa New Frontier Theater.

Gagawing Art Deco Cinema ang venue bilang pagbibigay-pugay sa standalone thea­ters noong Golden Age of Philippine Cinema.

Sa pagdiriwang ng ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino, Art Deco Cinemas ang visual theme para sa Sine Sandaan. Kilala ito noong 1930s at 1950s para sa kanilang intricate structure, at ito rin ang itinuturing na simbolo ng unang pagkilala sa pelikula bilang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino.

Minsan nang naging tahanan ng local at Hollywood movies at iba pang acts at performances, kaya ang New Frontier Theater ang perfect venue para sa Sine Sandaan. Ito ang itinuturing na pinakamalaking sinehan sa Asya noong itinayo  noong 1965 at isa rin itong classic entertainment landmark noong 1960s sa Cubao, Quezon City.

Sa tulong ng Big Bulb, Inc., mapupuno ang venue ng Art Deco aesthetics at elements ng old cinema, pati na rin ng details of the past and the modern para sa once-in-a-lifetime milestone ng film industry.

Pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagdiriwang at official launch ng Centennial Year sa Sine Sandaan bukas ng gabi.

Diumano’y 300 luminaries at icons ng Philippine Cinema ang inaasahang rarampa sa red carpet. Tampok din ang powerful performances ng biggest names sa music industry at best singers sa bansa na magha-highlight sa journey ng Pelikulang Pilipino sandaang taon nito.

Ang event ay co-presented ng CMB Film Services at ABS-CBN at sinusuportahan ng Department of Tourism (DOT), Araneta Group, at Fashion Designers Association of the Philippines (FDAP).

Ilong ng aktor nasobrahan sa retoke

Obvious na nasobrahan ng tangos ang ilong ang isang actor.

Ayon sa mga nakakakita sa kanya, para na siyang si Pinocchio sa sobrang pointed ng ilong.

Hihihi.

Lalo na nga naman pag naka-side view si actor, talagang ang iisipin mo peke ang ilong nito.

Minsan pa nga, parang hindi na bagay sa kanya dahil hindi naman siya katangkaran pero sobra ang laki ng ilong niya.

ABS-CBN Ball 2019, live sa KBO

 Matutunghayang muli ng Kapamilya fans ang kanilang paboritong stars sa gaganapin na ABS-CBN Ball 2019 sa Shangri-La The Fort dahil may live red carpet coverage nito ang KBO sa Sabado, ika 14 ng Setyembre.  

Ang ball ay may layuning makatulong sa Bantay Edukasyon program ng Bantay Bata 163, na magbibigay ng scholarship sa mga batang nangangailangan. Noong isang taon, natulungan rin ng ABS-CBN Ball mabuksang muli ang Bantay Bata 163 Children’s Village.  

 Hindi lang ang live at replay ng red carpet ng ball ang hatid ng KBO ng ABS-CBN TVplus sa darating na weekend kundi iba’t ibang movies na magpapasaya sa buong pamilya.

Show comments