Mariel sasabak sa bagong career sa New York

Kahapon nag-resume ang shooting ng Barbara Reimagined sa Zambales.

Nakamatayan ng direktor na si Chris Ad Castillo ang nasabing project na remake ng Patayin sa Sindak si Barbara (classic horror movie ng yumaong tatay niya na si Direk Celso Ad Castillo).

Bale three days sina Nathalie Hart, JC de Vera at Mariel de Leon doon at babalik sila uli for two shooting days pa.

Sabi ng manager ng tatlo, si Leo Dominguez, si Benedict Mique raw ang nagpatuloy sa nasabing project.

Last month, isang taon na ring patay si Direk Chris. Hinintay rin na makapanganak si Nathalie bago nag-resume ang shooting ng nasabing project.

Kailangan na ring tapusin ang horror movie dahil next month ay aalis na rin ng Philippines si Mariel at may modeling contract siya sa isang kilalang agency sa New York City.

Bea at Julia sinigurong ‘magtataguan’ sa ABS-CBN Ball!

Sigurado raw na parehong a-attend sa ABS-CBN Ball 2019 sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

‘Yon ang sabi, kaya maraming mag-aabang kung magkikita ba sila roon.

Marami rin naman daw na sisiguraduhing hindi magsalubong ang dalawa sa nasabing event ng Kapamilya network para hindi na magkaroon ng issue.

Malaki naman ang ballroom ng Shangri-La The Fort at puwede namang huwag talagang magkita sina Bea at Julia.

Puwera na lang kung manadya ang pagkakataon, huh!

Samantala, majority ng invited sa ABS-CBN Ball 2019 ang abalang-abala para sa modern Filipiniana na susuotin nila sa nasabing event.

May mga tahimik lang, pero sikat na fashion designers ang gagawa ng kanilang mga kasuotan.

May isang showbiz personality naman ako na nakitang namimili sa isang bazaar at ‘yon daw ang isusuot niya dahil gandang-ganda siya sa isang Filipiniana gown na nakita niya.

Ang dahilan niya, ido-donate na lang niya sa Bantay Bata 163 na isa sa beneficiaries ng nasabing event na magaganap sa September 14 kesa gastusin sa mamahaling gown.

Para walang kanegahan Director pinagbibigyan ng mga kasamahan ang kabagalan

Ayaw makialam ng ibang involved sa isang new series sa issue na mabagal ang kanilang main director kaya hindi natatapos ang mga eksenang dapat kunan sa bawat taping day.

Karamihan sa staff, gusto ay good vibes lang para magtagal ang kanilang new project, kaya sana raw, kung sino man ang nagkakalat ng intriga tungkol sa kanilang main director ay tumigil na huwag ang issue na ‘yon ang mapag-usapan kundi ang ganda ng kanilang trabaho.

Well...

Show comments