Lea hindi first time sa Sea Games

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng 2019 South East Asian (SEA) Games, nagsanib-puwersa ang Tony Awardee na si Lea Salonga at National Artist for Music na si Ryan Cayabyab, para sa official theme song ng nasabing Palaro para sa kantang We Win As One na nagkaroon ng launching recently lang na ginanap sa The Grand Bar and Lounge, New Port City, Resorts World Manila.

Ayon sa Philippine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), sina Ryan, Direk Floy Quintos at Lea lang daw talaga ang kanilang napili para gawin ang official theme song.

Ayon pa kay Maestro Ryan, hindi niya akalaing si Lea pala ang kakanta ng binubuo nilang theme song kaya naman naging magulo ito sa umpisa at ilang beses nagkaroon ng revision.

Ayon sa kuwento ni Maestro Ryan, sinulat niya ito for the finale ng opening ceremonies na para sa 11 singers.

Kaya naman nang malaman niyang si Lea na ang kakanta, ni-reformat niya ang kanta.

Eleven na bansa ang sinasabing magpa-participate sa SEA Games, at kasama na rito ang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, Timorleste (East Timor) at Vietnam. Mag-uumpisa ito sa November 30 at tatagal hanggang December 11 na lalahukan ng 11,000 athletes at mga opisyal, kasama na rin ang 9,000 volunteers, 530 events, 56 sports, plus 44 na mga venue na gaganapin sa Clark, Subic, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna at La Union.

Taong 2005 pa nang huling beses na nag-host ang ‘Pinas sa SEA Games, at ayon kay Lea, hindi raw ito ang unang beses niya sa Palaro. Nag-perform na rin daw siya noong 2006 na ginanap naman sa Doha, Qatar.

Ikinuwento pa nga niya ang naging karanasan sa nakakatakot na stage habang kumakanta dahil umaakyat ang stage nila “50 feet in the air, and it was not fun. That was one of the most frightening things I’ve ever done in my life.

“And thank goodness I was lip syncing, there is no way I would have been able to pull that off singing live because people would have heard how scared I was,” pagbabahagi niya.

Ganunpaman, hinding-hindi raw magsasawa si Lea sa pagkanta para sa Palaro, lalung-lalo na para i-represent ang Pilipinas.

Present din sa nasabing launch si Speaker of the House of Representative at PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano. Na aminadong hindi man full ready ang bansa pero “We’re going to present the best, the best Filipino athletes, the best Filipino artists, songs, culture, food.” 

Show comments