^

Pang Movies

Mona Lisa galing sa Buena Familia

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mona Lisa galing sa Buena Familia

Alam mo, Ateng Salve, na-sad ako nang mag-text sa akin last Sunday ang friend ko na retired purser ng Philippine Airlines, si Annie Santiago-Sulit.

Sabi niya, “Kilala mo si Mona Lisa, ‘yung da­ting aktres? She died in her sleep. Bale 97 years old na siya.”

Kilala pala ni Annie ang premyadong veteran actress dahil dati niyang kasamahan sa PAL ang dalawa nitong anak na babae, sina Kathleen Yatco Guinto at Evangeline Guinto-Bocobo.

Sobrang mapagmahal nga raw ang mga anak ni Mona Lisa sa yumaong aktres.

Nakita ko nga ang isang picture ni Kathleen na buhat-buhat niya ang kanyang nanay noong nabubuhay pa ito.

“Mapag-alaga ang mga anak ni Mona Lisa,” sabi pa ni Annie.

Marami nga raw sa mga dating kasamahan nina Kathleen at Vangie ang nagpunta kagabi sa lamay ng yumaong aktres sa Loyola Memorial Chapels sa Sucat, Parañaque City.

Siyanga pala, Ateng Salve, nabasa ko ang istorya ng buhay ni Mona Lisa at very colorful ‘yon lalo na at galing siya sa buena familia, pero naghirap din sila at malaki ang naitulong ng kanyang pag-aartista sa kanyang pamilya.

Puwedeng isapelikula ang buhay ni Mona Lisa at very interesting ‘yon!

Sa mga naulila ng premyadong aktres, ang aming pakikiramay!

Ogie magre-relax sa birthday

Ngayon ang 52nd birthday ni Ogie Alcasid at may intimate dinner siya with family and friends, pero meron din daw sa Thursday na ang karamihan naman sa mga imbitado ay classmates, co-workers at mga kasamahan niya sa ilang mga business niya.

“Small group lang,” sabi ni Ogie.

Sa ngayon, naka-stay sila ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid sa isang hotel sa BGC (Bonifacio Global City).

After nga raw ng ASAP Natin ‘To noong Tuesday ay deretso na sila roon, pero mag-check-out din today.

“Two days staycation lang. Parang bakasyon,” sabi ni Ogie.

Kasama rin nila si Nate at Leila Alcasid na nag-stay sa hotel.

Relax-relax muna si Ogie dahil birthday niya at after ay tututukan na niya ang Ogie and The Hurados concert niya sa Newport Performing Arts Theater sa Resort Worlds Manila dahil sa October 10 na ‘yon.

Oo nga pala, natuwa ako, Ateng Salve, dahil mara­ming new singers ngayon ang gustong magpa-compose ng kanta kay Ogie.

Hindi nga lang basta magaling na singer si Ogie dahil ang galing din niyang mag-compose ng mga kanta, kaya kilala nga siya nilang the singer/songwriter, ‘di ba?

‘Yun na!

vuukle comment

ANNIE SANTIAGO-SULIT

MONA LISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with