Alden at Kathryn natakot sa mga kaguluhan sa HK

Sumabak sa immersion si Alden Richards sa tulong at patnubay ng Resources for the Blind Inc. bilang paghahanda sa cha­racter niya bilang bulag sa coming primetime Kapuso series niyang The Gift.

“Mas lalo pa akong naging excited na gawin ang role. Nakaka-in love lang being here today and experiencing first hand kung ano talaga ‘yung pakiramdam ng pagiging bulag,” pahayag ni Alden habang tinuturuan siya ng non-government organization na tumutulong sa may kapansanan sa paningin.

Sa bagong character, gustong magbigay ng inspirasyon ng Pambansang Bae at magdulot ng positibong pagbabago sa buhay ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Samantala, kanselado ang pagdalo ni Alden, Kathryn Bernado at iba pang artista ng Hello, Love, Goodbye sa international screening ng movie sa Hong Kong this Sunday, August 18 and August 25.

Security reasons ng kanselasyon dahil sa patuloy na protesta sa Hong Kong. Pero nilinaw ng Star Cinema na tuloy ang screenings sa nasabing petsa. Ang alam namin, sa Singapore screening ng pelikula sa August 18 dadalo sina Kath at Alden.

Stage mother ng isang baguhang child star, nagmamaganda na agad

Naloka ang isang host ng isang showbiz event dahil sa isang stage mother ng isang baguhang child star.

Nang tawagin ng host ang cast ng movie para humarap sa mga tao, biglang isiningit ng ina ang kanyang anak para makasama sa stage, huh!

Eh wala naman sa ibinigay na listahan sa host ang name ng bata kaya hindi niya ito natawag. Binulungan na lang ang host ng production staff sa name ng child star.

Dahil sa ginawa ng host, nakatikim siya ng isang irap at matalim na titig mula sa ina ng bata!

Show comments