^

Pang Movies

Lagot... Mga artistang ‘nagpatanda’ pag-aari na ng mobile app na naka-base sa Russia?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Lagot... Mga artistang ‘nagpatanda’ pag-aari na ng mobile app na naka-base sa Russia?!

Lagot ang mga artistang nakiuso sa ‘pagtanda.’

Ayon sa mga online article,  pag-aari na raw ng developer ng nasabing app ang mga photo na ginamit doon at magiging file na nila ito forever na puwede nilang gamitin kahit saan.

At lahat din daw ‘yun ay puwede nilang i-transfer sa kahit anong bansa sila mag-operate. Eh sa Russia daw naka-base ang developer ng application kaya doon ito puwedeng iimbak. 

Hindi lang mga local star ang nakiuso sa nasabing app, pati ibang Hollywood celebrities nagpatanda rin.

“You grant FaceApp a perpetual, irrevocable, nonexclusive, royalty-free, worldwide, fully-paid, transferable sub-licensable license to use, reproduce, modify, adapt, publish, translate, create derivative works from, distribute, publicly perform and display your User Content and any name, username or likeness provided in connection with your User Content in all media formats and channels now known or later developed, without compensation to you,” ayon sa article ng www.independent.co.uk na nakasaad daw sa terms ng nasabing app.

Kabilang sa mga artista nating nakita kong nagpatanda ay sina Coco Martin,  Maja Salvador and her BF, JM de Guzman, Jolina Magdangal, Karla Estrada and Melai Cantiveros (Magandang Buhay), JC de Vera, Maris at marami pang iba.

Usung-uso kasi ang nasabing app. Parang lahat gustong tumanda.

Yup, parang ‘di talaga busy ang karamihan at aligaga sila sa ‘pagtanda.’

Kaya naman pagbukas mo ng social media account mo, parang madi-disorient ka na biglang ang daming tumandang friends mo.

Dati filter ang uso as in kailangan pabata ang hitsura mo pag nag-post ng picture, ngayon, iba na, patandaan naman.

Well, ginusto nila ‘yan, unless ‘di nila nabasa ang terms and conditions ng app at basta na lang nila ginamit.

Liza Diño sinalag ang demanda ng mga operator ng sinehan

Pumalag na ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa demanda ng Cinema Exhibitors Association of The Philippines sa pamamagitan ng statement na pinost ni FDCP Chair / CEO Liza Diño.

Umabot sa korte ang grupo bilang pag-alma sa Memorandum Circular 2019-01 (Policies and Guidelines on the Theatrical Release of Films in Philippine Cinemas) na inilabas ng FDCP na nagbabago ng araw at iba pang policy sa pagpapalabas ng mga sine.

“The FDCP is refraining from releasing any further statements at this time in relation to the reports of a case being filed against the Agency by the Cinema Exhibitors Association of The Philippines until we get the official summons from the court and review the case.

“What we maintain is that the Agency’s release of FDCP Memorandum Circular 2019-01 (Policies and Guidelines on the Theatrical Release of Films in Philippine Cinemas) is line with our objective to address the existing gaps as presented by all sectors of the industry involved in the theatrical distribution of films and to create clear, balanced, and transpa­rent guidelines beneficial to its stakeholders.

“We will plan for a course of action once we have received the official documents.

“Meanwhile, we are continuing to work with our stakeholders for our programs for the local film industry.”

Sana nga ay maresolba ito sa mahinahong usapan at mapigilan ang demandahan.

Iisa lang naman ang objective ng lahat ng mga taga-industriya, ang makabangon at sumigla ang local movie industry.

FACEAPP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with