Mga pampagandang tinda ni Korina palaging out of stock
Kaloka si Chuck Gomez, Salve ha. Imagine mo na hawak niya ang Beautederm ng mabait na si Rhea Tan at ngayon mga beauty product naman ni Korina Sanchez-Roxas ang kanyang inilalako? haha.
Ang galing ng mga product ni Korina. May shampoo, conditioner, bodywash at iba pang pampa-beauty, at madalas out of stock ang mga K Magic product kaya kapag nakahanap, dapat bilhin na.
Sa dami ding nagtatanong kung paano makabili, nationwide na ngayon ito sa select Mercury Drug Stores sa Luzon, Visayas at Mindanao. Puwede rin bumili sa mga online shopping sites tulad ng Shopee at Lazada. Mayroon din sa Victory Mall Pasay, Caloocan, at Antipolo, at sa mga selected Star Mall branches. Available na rin ito worldwide.
Kahit anong bansa, made-deliver. Kaya nga siguro iniwan na ni Chuck ang Cosmo Skin dahil nasa K at Beautederm na siya no, Salve.
Sino kaya sa kanila ni Jun Lalin ang mas magiging mayaman, sino ang mas generous na boss, sila Niño Gutierrez at Red Gatus o si Rhea o si Korina? Joke intriga lang.
Unang taon ng mga newly elected officials, crucial
Ipinaliwanag ni bagong Mayor Joy Belmonte na ang pera na binanggit ng dating alkalde ng Q.C. ay halos P1.5 billion lamang ang matitira sa ending ng 2019.
Ang pera pala na sinasabi na naiwan ay meron nang pinaglalaanan na mga bayarin at nagasta na noong May 31 ang halos kalahati ng pondo.
Zero balance naman pala ang budget sa Maynila dahil bago umalis sa puwesto si former Mayor Joseph Estrada, binayaran niya ang mga firetruck na binili para sa mga bumbero.
Dapat sinasabi agad ang kumpletong detalye para hindi nagkakaroon ng miscommunication pero sabi ko nga, crucial ang first year ng panunungkulan ng mga newly elected officials dahil tiyak na titingnan at tututukan na mabuti kung paano patatakbuhin at pamamahalaan ng mga bagong alkalde ang Quezon City, Manila at Pasig. At least, makakatulog na ako dahil sa malinaw na paliwanag ni Mayor Joy at ng kampo ni Papa Erap.
- Latest