Kung ipinagluksa ng buong sambayanan ang pagyao ng movie and television icon na si Eddie Garcia nung nakaraang June 20 na sinundan ng music jazz icon na si Jacqui Magno nung June 21, isa ring dating beauty queen ang tuluyan nang nagpaalam same day ng kamatayan ni Jacqui, ang dating Miss World 3rd Princess (2012) na si April Love Antolo Jordan sa edad na 31.
Si April ay nagtapos ng high school sa Quezon National High School (ng Quezon Province) sa ilalim ng scholarship grand ng Dept. of Science and Technology. Nagtapos naman siya ng kanyang kolehiyo, Bachelor’s degree in Tourism, Hotel and Travel Industry Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Bukod sa kanyang pagiging fashion model, sumali siya sa iba’t ibang beauty competition kasama na rito ang local, national and international.
Taong 2006 ay isa siya sa naging finalists ng Miss Earth at naging 2nd runner-up din siya sa Mutya ng Pilipinas on the same year. Taong 2009 nang siya’y sumali sa Bb. Pilipinas kung saan siya ang kinatawan ng Ilocos Sur.
On the same year ay siya ang tinanghal na grand winner sa International Beauty and Model Festival na ginanap sa China. Naging brand ambassador din siya ng Solaire Resort & Casino nung taong 2013. Naging Miss Manila rin siya, Sanita Ti Ilocos Sur, at iba pa. Naging kinatawan din siya ng Pilipinas sa Miss Tourism Queen of the Year International na ginanap sa Malaysia kung saan niya nakuha ang special award na Miss Secret Charm.
Si April ay sumakabilang-buhay sa sakit na liver cancer.