Ang Pilipinas ang maghu-host ng Manhunt International sa taong 2020.
Ang Manhunt International ang oldest international male modeling pageant sa buong mundo. Nagsimula ito noong 1993 nang mag-partners na sina Rosko Dickinson and Alex Liu. Ginanap ang kauna-unahang Manhunt International World Final sa Australia with 25 male contestants.
Noong nakaraang June 18 ay naganap ang contract signing between Manhunt International Executive President Rosko Dickinson and Jonas Antonio Gaffud of Empire and Mercator Artist and Model Management, Inc. sa Dusit Thani Manila Hotel in Makati City.
Present din sa contract signing ay ang Manhunt International 2018 winner na si Vicent Llorach Gonzalez of Spain.
Higit na 40 delegates mula sa iba’t ibang bansa ang darating sa Pilipinas para sa naturang male modeling competition sa February 15, 2020. Ang gala night para sa 20th Manhunt International ay magaganap sa February 22, 2020.
Ang team nga ni Jonas Gaffud ang magiging abala sa preparations ng Manhunt International sa Pilipinas.
Marissa del Mar may show para sa mga OFW
Kampeon ng maraming OFWs sa buong mundo ang former actress na si Marissa del Mar.
Sa pamamagitan ng kanyang bagong TV show sa GMA news TV na World Class Kababayan, maipaparating ni Marissa ang ilang kuwento ng tagumpay at lungkot ng mga kababayan nating OFW. Umeere ito tuwing Sabado, 5:30 PM.
Ilang taon nang tumutulong si Marissa sa mga OFWs sa pamamagitan ng kanyang dati pang public service shows na Up Close & Personal at Buhay OFW. Nais lang niyang mas mapaganda at mabigyan ng respeto ng marami ang mga Pinoy na nalalayo sa kanilang mga pamilya para lang makapagtrabaho sa ibang bansa.
“Nagsimula ang lahat when I was still active as an actress during the ‘80s. Marami akong ginawang mga international movies kaya lagi akong nasa ibang bansa. Ang film crew ng mga productions na ito ay mga Pinoy. Nakikita ko na nahihirapan sila at hindi sila pinapakain sa tamang oras.
“Pinaglaban ko ang mga kababayan natin from these foreign producers. I demanded na tratuhin sila ng tama or else magwu-walkout ako sa set at isasama ko ang film crew. Sino ang nalulugi? Eh di sila dahil malaki na ang ginastos nila. Kung idemanda man nila ako, handa ako kasi marami akong kilalang magagaling na abogado.
“Para sa akin, respetuhin mo ang mga taong nagtatrabaho for you. Ibigay mo ang kailangan nila at ibibigay din nila ang maayos na sebisyo,” kuwento pa ni Marissa.
Makakasama pa ni Marissa sa World Class Kababayan ay ang anak niyang si Princess Adriano na may sariling segment para sa millennials na mahilig mag-travel.