“I can’t believe our post last week about Cameron (??!!) eating at my restaurant went viral. She claimed that shes the real “Cameron”... others affirmed that it is really her and some said she’s fake and just a look- a-like Whoever she may be, I’m just glad that she’s enjoying the Philippines and loving my BBq0 #itsmorefuninphilippines#ilovebackyardbbq #elnido#happyconceptgroup,” post kahapon ng restaurant owner na si Ms. Happy Ongpauco para ikorek ang kumalat na picture last week na umano’y bumisita sa nasabing sikat na lugar sa ating bansa, El Nido, Palawan ang inactive Hollywood actress.
Kasama pa sa naunang ipinost na photo ni Ms. Happy ang isa pang Hollywood celeb na si Bradley Cooper.
Marami kasing nag-comment kay Ms. Happy na dapat niyang i-untagged ang actor dahil hindi nga siya ‘yun.
Actually, sa unang kita pa lang ng picture parang obvious nga na hindi yun ang dalawang Hollywood celebrities.
Pero at least super look-a-like nila.
Nakakalito rin. Though ang Cameron na nasa nag-viral ay may mga muscle samantalang ang photos niya sa Instagram ay parang hindi ganun ang hitsura ng katawan niya.
Isa ang Palawan sa suking puntahan ng mga sikat nating celebrity dahil nga sa ganda ng lugar.
Merong mura pero karaniwang mahal ang accommodation sa nasabing sikat na beach.
Rambo nagpa-fat transfer
Wow ang super old na pala ni Rambo (Sylvester Stallone).
Isa siya sa maraming celebrities na lumutang sa ginaganap na Cannes Film Festival. Inulan ang nasabing comment ng ‘rombotox.’ Pero maagap ang isang ka-Facebook friend ko na isang international publicist na nagsabing “It’s fillers and fat transfer.”
Anyway, aside from Rambo, sumikat na mga pelikula niya ang Rocky, The Expandables at marami pang iba.