Very typical nga naman ang eksena sa bagong commercial ng mga Muhlach for an ice cream, ang usapan nina Aga at ng kanyang anak na si Atasha, kung saan inamin nito na may boyfriend na siya.
Yes, supposedly, at 17.
“Any Dad, na nag-iisa lang ang anak na babae, tulad ni Aga, would have reacted the same way,” anang isang kibitzer. “In any case, baka naging more OA (over acting) ang naging reaction ko.”
For those of you who want to know, wala pa raw siyang boyfriend, pagtatapat ni Atasha. She has yet to ask her Dad, kung puwede na siyang tumanggap ng manliligaw.
Usapan daw kasi nila ng kanyang Dad, pati na rin ni Andres, na magtapos mula sila ng college, and they are free to do anything they want.
Both will be in their senior year in high school sa pasukan. Atasha and Andres are enrolled in different international schools.
They both plan to take up Business Administration in college. She will study in the United Kingdom, as suggested by her Mom, Charlene Gonzales. Sa New York naman gustong mag-aral ni Andres.
“Feeling namin ni Aga,” ani Charlene. “Giving both our twins the best education ang pinakamagandang pamanang puwede naming ihandog sa kanila.”
Chienna, 14 lang nang magpagalaw ng ilong
Hindi naman pala ikinahihiyang aminin ng GT (Previously GirlTrend) member na si Chienna Filomena na, yes, nag-submit siya to rhinoplasty. And not because she wanted to, but because she needed to.
Nagkadiperensiya raw ang kanyang ilong nang ipinanganak siya. Dahil by caesarean section siya ipinanganak, natamaan ng isang doctor instrument ang kanyang nose.
Naging dahilan daw ito, para maging subject siya ng bullying ng kanyang mga kalaro at kaklase.
Fourteen years old lang siya nang ipaayos niya ang kanyang ilong.
Tall, sexy at maganda, hindi malayong sumikat eventually bilang artista si Chienna, tulad ng iba pang GT members.
As it is, happy na raw si Chienna being a member of GT, as their newly launched video, titled Breakthrough, is selling like hotcakes.
Seth bet si Andrea
Open si Seth Fedelin, 16, Pinoy Big Brother (PBB)Otso Big Four pre-adult winner, sa paghanga kayAndrea Bautista, na co-star niya ngayon sa trending series na Kadenang Ginto.
Andrea, who is 15, feels flattered raw sa open na paghanga sa kanya ni Seth. Mabait daw kasi ito. Tulad ng dalawa pa niyang teenage co-stars sa KG na sina Kyle Echarri at Francine Diaz.
Among the four of them, si Andrea ang medyo seasoned performer nang maituturing, as bilang child actress, nabigyan siya ng chance na gumanap bilang bida sa series na Anna-Lisa.
Nakasama niya sa nabanggit na series, which lasted for more than six months sa himpapawid, si Zanjoe Marudo.
In the case of Kyle, who is also 15, two years na siya sa showbiz.
Biggest break daw para sa kanya ang maging anak ni Aga Muhlach sa Seven Sundays.
Tulad ni Seth, launching series ni Francine ang KD.
Sandino sanay sa bading
At home raw si Sandino Martin sa pagganap ng gay roles, bagama’t in real life ay lalaking-lalaki siya.
Sandino plays one of the barkadas na pawang lawyers in the much-followed series, Sino Ang May Sala? Mea Culpa. Kaya, medyo subtle raw ang kanyang pagiging gay. Ito rin daw ang gusto niya dahil hindi naman lahat ng gay ay loud and flamboyant.
But what makes him proud of his role sa Sino Ang May Sala?… is that he is both a bida and kontrabida na maituturing. Pawang brilliant and promising performers ang mga co-star niya sa serye na sina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Tony Labrusca, Ivana Alawi at Kit Thompson. Plus, of course, Agot Isidro, Janice de Belen, Ayen Munji-Laurel and Jay Manalo.
Dalawang award-winning directors, Andoy Ranay at Dan Villegas, ang siyang namamahala ng drama series na ito.