Latest batch ng Star Magic Circle, ipinakilala!

Bilang pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng Star Magic, ini-launch na ng nasabing talent agency ng ABS-CBN ang latest batch ng Star Magic Circle.

The new batch is composed of trusted and rising commercial and ramp model, a budding host, a Halik actor, a political scion, a former boy group member, a young dramatic actress, a grand daughter of celebrated 50’s actress, a Pinoy Big Brother hopeful, and a The Voice Kids season 2 alumni and a promising Eerie actress.

Ipinakilala sa entertainment press last Wednesday ang 16 na Star Magic Circle 2019 na sina Gillian Vicencio (19 years old), Belle Mariano (16), Glen Vargas (23), Kendru Garcia (20), Arielle Roces (22), Eiselle Serrano (20), RA Lewis (21), Javi Benitez (22), Aiyanna Waggoner (12), Arabela del Rosario (17), Anthony Jennings (18), JC Alcantara (19), Sophie Reyes (20), Melizza Jimenez (17), Jeremiah Lisbo (20) at Kyle Echarri  (15).

Bukod sa launching ng Star Magic Circle 2019, bilang parte ng 27th anniversary celebration, naglabas din ang Star Magic ng Journey to the Star Circle documentary which premiered last May 15 and ended in May 22 sa kanilang Facebook page and You Tube Channel. It was hosted by Kathryn Bernardo and Daniel Padilla kung saan ay napanood ang proseso ng talent discovery and star building sa pagpili ng bagong batch.

Sa May 30 naman ay maglalabas ang Star Magic ng 3-episode documentary pa rin titled The Making of The Star Magic Catalogue na tatalakay sa beginnings, evolution, creation and the future of the Star Magic Catalogue.

Sa May 26 naman ay mapapanood sa ASAP Natin ‘To ang star-studded 27th Star Magic Anniversary Celebration kung saan ay pormal ding ipakikilala ang bagong batch ng Star Magic Circle sa televiewers.

Sa nasabing pagdiriwang sa ASAP Natin ‘To, inaasahan nang dadalo ang halos lahat ng pinakasikat na artista ng ABS-CBN at Star Magic.

Gabby pangalawang buhay ang turing sa mga ginagawa niya

Masayang-masaya si Gabby Concepcion sa takbo ng career niya ngayon na sa kabila ng kanyang edad ay leading man role pa rin ang ibinibigay sa kanya.

Tulad ngayon, leading man siya hindi lang ng isa, kung hindi ng tatlong aktres na sina Jennylyn Mercado, Shaira Diaz at Solenn Heussaff sa Love You Two ng GMA-7.

Ayon kay Gabby, talaga namang ipinagpapasalamat niya na nakabalik pa rin siya sa showbiz matapos ang matagal na pananatili sa Amerika.

Matatandaang taong 2008 nang bumalik si Gabby sa Pinas after 13 years of living in the US. Bumalik siya dahil that time ay may sakit ang kanyang amang si Rolly Concepcion.

“Mula noong bumalik ako dito noong 2008, siyempre, malungkot ako dahil namatay ang father ko. Pero sabi ko, this is the best time of my life kasi nabigyan ako ng second chance,” pahayag ni Gabby nang makausap namin sa set ng Love You Two last Wednesday.

“So, tulad ng sabi ko noon, di ba, hindi ako dapat magreklamo sa buhay na ibinigay sa akin. Ang saya-saya ko kahit ano pa ang dinadaanan ko dahil pangalawang buhay ko na ‘to, eh.

“Eh ganitong project pa (ang ibinigay) na kasama mo sila, na sa panaginip lamang, hindi ka pa sasaya?” sey pa ng aktor.

Enjoy na enjoy daw siya doing romantic-comedy projects tulad ng Love You Two at ang deskripsyon nga niya ay para raw siyang nasa langit.

During his younger years kasi ay puro drama raw ang ginawa niya sa Regal Films.

“’Yun lang ang ginawa ko sa Regal during my younger years, noong nagsisimula ako – puro drama. At saka ang buhay ko, puro drama. So, hindi ko na alam kung totoo o showbiz ‘yung dinadaanan ko,” sey niya na may halong pagbibiro.

“So, ‘yun, sanay na ako pagdating sa dramahan sa buhay. ‘Yung rom-com, ang sarap, para kang nasa langit,” aniya.

Show comments