Pagaganahin muli ni April Boy Regino ang kanyang magic sa pagbabalik nito sa music scene. Kapipirma lamang ng music icon ng 90s ng kontrata sa Star Music under Lodi Records.
Hindi lang para iparinig ang boses niyang walang kupas, kundi para magsilbing inspirasyon sa ibang tao na katulad ng kanyang may pinagdaanang prostate cancer at diabetes kung kaya siya nawalan ng paningin.
Buo ang loob niyang balikan ang kanyang singing career sa guidance ng manager nitong si Vehnee Saturno na siyang nagpalakas sa kanyang loob na kumanta muli. Malaki ang tiwala ni Mr. Saturno na sa bagong journey ni April Boy ay mas marami siyang baon na karanasan at paghuhugutan ng emosyon.
Lalo sa kanyang bagong single na Hanggang sa Wakas na naririnig na sa mga radio stations. In fairness ay puwedeng gawing themesong ng teleserye o movie ang new single nito na patunayan na may forever ang kuwento ng kanta na base mismo sa love story ng singer.