Jodi kulang na sa pahinga!

Laurice Guillen at Jodi Sta. Maria

Gabby ‘di nagpakita ng professionalism?

Kahit namamaos at halos wala nang boses ay dumalo pa rin si Jodi Sta. Maria sa presscon kahapon ng Man and Wife habang ang leading man niyang si Gabby Concepcion ay hindi nakasipot sa hindi malamang kadahilanan.

Napagkumpara tuloy ng entertainment press ang professionalism nina Jodi at Gabby dahil nga heto nga naman ang aktres na kahit hindi maganda ang pakiramdam ay dumalo pa rin sa presscon.

Awang-awa naman ang entertainment press kay Jodi dahil kitang-kita na hirap na hirap itong magsalita sa tuwing sumasagot sa mga tanong. Kung puwede nga lang na tapusin na agad ang Q&A para makapagpahinga na ang aktres.

Hindi naman puwedeng hindi siya tanungin dahil dalawa lang sila ng direktor na si Laurice Guillen na dumalo.

Dahil daw sa sunud-sunod na trabaho kaya namaos si Jodi. Busy rin kasi ang aktres ngayon sa serye niyang Sino ang May Sala? Mea Culpa na magsisimula na ang airing sa April 29.

Samantala, ang Man and Wife naman ay showing na sa May 8. Ang nasabing pelikula ay Mother’s Day presentation ng Cineko Films.

Isko nabuhay na bading at tibo ang mga kasama!

Masaya si former Manila Vice Mayor at former Undersecretary for Luzon Affairs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Isko Moreno dahil suportado rin ng LGBTQ (Lesbians, Gays, Bisexual, Transgender, Queer) community ang kanyang kandidatura bilang Mayor ng Manila.

Ayon kay Isko, disotso anyos pa lang daw siya ay bading na ang mga kasama niya.

“Paggising ko, bakla na katabi ko, pagkagising ko, tomboy na kasama ko. Pag pupunta na ako sa trabaho, bakla’t tomboy rin (ang kasama ko). I mean, namuhay ako ng… (sila ang mga kasama ko),” sey pa niya.

Ayon pa kay Isko ay nagbigay na raw siya ng pangako sa mga beki na kapag nanalo siyang Mayor ay magkakaroon daw for the first time ang Maynila ng Gay Pride Parade.

Pangako raw ito at tutuparin niya raw ito kahit ano ang mangyari. Puwede raw siyang balikan kung hindi niya ito tutuparin.

Pati raw ang dating Manila Film Festival ay puwede raw i-revive pati na ang Manila Indie Film Festival.

Show comments