^

Pang Movies

Rafael todo pa rin ang kampanya sa Marijuana!

Gorgy Rula - Pang-masa
Rafael todo pa rin ang kampanya sa Marijuana!

MANILA, Philippines — Sa gitna ng isyu ng droga, at ang pinag-uusapang random drug testing sa mga artista, pursigido pa rin ang Kapuso actor na si Rafael Rossel na kanyang kampanya sa medicinal Marijuana.

Active member si Rafael sa grupong Philippine Cannabis Compassionate Society na kung saan pinapalaganap nila ang bisa ng Marijuana bilang gamot sa mga sakit gaya ng Cancer.

Kahit nahihirapan sa kampanyang ito, ayaw niyang sumuko dahil alam niyang tama raw itong ipinaglalaban niya.

Ginagawa raw niya ito dahil nasubukan na raw niya ito sa kanyang ina na gumaling sa kanyang Thyroid Cancer.

Maraming pasyente raw ang willing na magpagamot gamit ang Marijuana, pero hindi pa nga legalize dito sa atin.

May mga kumokontra at malakas daw ang pakikipaglaban sa kanila.

Ani Rafael; “Ang lakas ng resistensya talaga, ang hirap.

“We’re losing ptience at maraming pasyente na nakapila talaga dahil alam nila na effective talaga.

“May mga testimonies na sila, research abroad, studies abroad, scientific evidence na hindi siya dapat sa schedule one drug.

“Yung schedule one drug kasi is highly addictive at walang health benefits.

“Ngayon, sa ilalim na category na yun is alcohol at cigarettes dapat.

“Pero wala namang medicinal benefits yung alak at yosi, pero legal siya. Eh ito, wala pang namamatay from direct overdose.”

Kung maisasabatas nga ito, marami raw kasing negosyo ang maapektuhan, gaya ng pharmaceuticals at iba pa.

“Kaya namin pinu-push ito dahil may mga testimonies kami.

“My mother is one of them na gumaling sa kanyang Thyroid Cancer stage 4 terminal B.

“So, maraming makikinabang talaga dito.

“Pero yung resistance talaga comes from yung matatalo sa profit, like pharmaceuticals, tobacco, alcohol, at naintindihan namin yan,” dagdag na pahayag ng Kapuso actor nang nakausap namin ito sa story conference ng bagong film project niyang OFW The Movie.

May mga ilang kilalang celebrities daw na gustong sumama sa kampanya nila, pero ayaw lang nilang lumantad dahil sa iba na agad ang tingin ng ibang tao.

Hindi raw mawawala ang impression ng karamihan na kapag guma­gamit ka ng Marijuana ay adik ka.

Kung ma-educate lang daw sana ang mga tao sa tulong ng gobyerno, malalaman kung ano talaga ang bisa ng Marijuana bilang gamot.

“The more we talk about it, the more we make it common knowledge sa mga tao na medisina siya, hindi siya droga.

“I think mas lalawak din yung pag-iisip ng gobyerno tungkol sa medisinang ito,” seryosong pahayag ni Rafael.

GMA pinu-push ang random drug testing sa mga artista

Nagbigay pala ng pahayag ang GMA-7 na ipinapatupad pa rin naman daw nila ang random drug testing sa kanilang mga artista at mga empleyado.

Kailangan daw nilang gawin iyun para mapanatiling maayos ang trabaho sa naturang network.

Noon pa man ay nakiisa raw sila sa kampanya ng gobyeryo laban sa droga.

Kaya, kailangan daw talaga ang drug testing sa lahat na kawani, lalo na sa mga artista ng Kapuso network.     

RAFAEL ROSSEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with