Biglang nakilala, Migo pinagpapahinga muna!
Naaliw naman ako, Ateng Salve, sa mga komento na maraming gustong manood ng Sahaya dahil kay Migo Adecer.
Biglang nagkaroon ng interes ang marami kay Migo nang ma-involve siya sa ilang kaso sa Makati Ciy nang ma-sidewipe niya ang dalawang empleyado ng MMDA at takbuhan daw niya ‘yon, pero nahuli rin naman siya pagkatapos siyang habulin ng awtoridad.
Nakalabas na ng kulungan si Migo at haharapin na lang niya sa korte, katulong ng lawyer niyang si Atty. Marie Glen Abraham-Garduque, ang ilang kasong inireklamo laban sa kanya dahil sa insidenteng ‘yon. Pero ‘yung sa dalawang MMDA employees daw ay naayos na at hindi na raw magsasampa ng reklamo ang mga ito.
Inusisa ko naman ang isang taga-GMA 7 kung mapapanood na ba mamaya sa Sahaya si Migo, hindi pa raw.
Isang executive raw na namamahala ng Sahaya ang tinanong ng taong nakausap ko tungkol sa taping ni Migo, pero next week pa raw nakatakdang mag-taping doon si Migo.
“Hindi kaya bigla siyang palitan dahil hindi pa naman pala siya nakakapag-taping?” tanong ko.
“Itatanong ko, ha?!” sagot lang nito, pero as of this writing, wala pang update sa akin ang kausap ko.
Ang lawyer naman ni Migo, nakausap ko kahapon ng 4:10PM at tinanong ko kung ano na ang update kay Migo? “Actually, si Migo, pinagpapahinga ko muna kasi very stressful to him ‘yung na-experience niya. I want him also to contemplate on what happened, kaya hindi pa rin siya nagbibigay ng interview.
“Hopefully by next week, he will be emotionally ok, kaya by next week, puwede na rin siyang magpa-interview.
“Basta ang certain, he will face the public at the right time,” pahayag pa ng very accommodating lawyer ni Migo.
Arra hindi nagmarka sa MST
Mamaya na magtatapos ang My Special Tatay na pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela.
Ano kaya ang susunod na show ang ibibigay ng GMA 7 kay Arra San Agustin na original partner ni Ken sa show na ‘yon?
Hindi kasi nagmarka si Arra sa My Special Tatay.
Maria at Eerie kakaunti lang ang nanonood
Nasa Greenhills, San Juan ako noong Wednesday evening.
Nakita ko ang isang showbiz personality at manonood daw siya ng pelikula.
Maria ni Cristine Reyes ang panonoorin niya.
“Nakita ko, ilan lang kaming kumuha ng tickets. Nakita ko rin ‘yung Eerie, mas marami ng konti ang manonood ng last full show,” sabi ni showbiz personality na nakatsikahan ko.
Sana naman sa ibang theaters mas maraming nanood ng Maria at Eerie that day.
Sana kapag nanood ako this weekend ng Maria at Eerie ay abutan ko pa, huh!
Hindi nga pala nakadagdag si showbiz personality sa kinita that day ng Maria sa Greenhills Theater dahil VIP pass ang gamit nito sa panonood, kaya hindi rin siya counted sa mga nanood ng pelikula ni Cristine dahil hindi naman siya paying audience.
Well…
- Latest