Janine Teñoso parang magic ‘pag kumanta!
Parang may kakaibang magic sa tuwing si Janine Teñoso ang kumakanta tulad na lamang sa version nito ng Ulan na official soundtrack ng movie nina Nadine Lustre at Carlo Aquino na Ulan din ang title.
Ang Rivermaya ang orihinal na kumanta nito na binigyan ni Janine ng kakaibang areglo na tiyak, patok na naman sa millennials.
In all fairness sa singer, effortless ang kanyang pagkanta at pwede na nga siyang tawaging Queen of OST.
Ask lang ng fans kung bakit hindi ipinakanta kay Nadine ang Ulan samantalang bagay nga naman ito sa boses ng aktres.
Sabagay, thankful na rin sila dahil nagkaroon ng bagong exposure ang mang-aawit.
Nauna nang nakilala si Janine sa kantang ‘Di Na Muli na soundtrack naman ng hugot movie na Sid & Aya: Not A Love Story.
- Latest